i need some legal advice po sana medyo mahaba ang magiging storya ko sana maunawaan nyo,..
meron po kasi akong live-in partner,we're living in together for 3 yrs now,..now heres the situation,were living away from both our parents one day nakiusap samin magasawa yung parents ng asawa ko na baka pedeng makitira muna samin dahil wala na silang matirahan dahil wala naman trabaho yung byenan ko at umaasa lang cya sa anak nyang pinapadalahan ng BF nyang hapon,..come one day nagkahiwalay ang dalawa last resort nila kaming lapitan so ako naman pumayag dahil nangako sila for ilang months lang daw kasi aalis na raw ang kapatid ng asawa ko papuntang korea,sa kasamaang palad umuwi galing sa korea ang kapatid nyan ilang araw lang ang nakalipas ang pagpunta nya dun,....so anu pa ba ang magagawa ko so kinargo pa rin namin silang lahat including her 2 sisters,a brother and both her parents...nawalan kami ng katulong na matagal na samin at nagaalaga ng anak dahil sa kanila dahil pagdating nila sa bahay namin nagsuggest sila na paalisin nalng daw yung katulong sila nalng daw ang magaalaga sa anak namin.
one day nagkaron ng conflict ang asawa ko at yung tatay nya,..mula nuon ayaw na nila alagaan yung anak namin maghanap nalng daw kami ng ibang magaalaga nung bata,since proby pala yung asawa ko sa work nya at ako naman matagal nang regular ako nalng ang nagscrifice na huwag pumasok ng ilang araw para magalaga,.dumating pa sa point na kelangan pa namin ibyahe yung bata araw araw papunta sa bahay ng kaibigan namin para maalagaan at makapasok kami sa work,.kasi kung hinde namin gagawin yun wala rin sila kakainin.....come the day na nagpabarangay ang tatay nya dahil pababayaran daw nya yung utang daw ng asawa ko sa tatay nya na ginamit sa pagpapaaral sa kanya,...nagtaka ako kasi wala naman cyang trabaho panu cya makakapagbigay ng 50K DAW na pinagpaaral sa kanya,..until found out na pera yun ng kapatid nya nasa kakauwi lang galing japan that time..so nagusap kami lahat sa barangay ayaw nya talagang tangapin na wala cyang makukuha na 50k,..dahil may tension na nga sa bahay,we decided to move out and live on our own again,....bago pa kami makaalis sa bahay ang gusto ng tatay nya kakamkamin lahat ng gamit namin pambayad daw sa nsabing utang,hinde ako pumayag dahil hinde naman conjugal yun dahil hinde pa naman kasi kami kasal...
so napagpasyahan nalang namin na iiwan nalng yung pagmamay-ari ng asawa ko para matahimik nalng iniwan namin yung tv at washing machine ito kasi wala pa kaming ganu gamit dahil nagsisimula palang kami,when we where about to move out he insisted na iiwan daw yung stove ko at computer ko!huh?sabi ko sa kanya hinde pwede dahil pagaari ko yun and that has nothing to do with her belongings kung hinde talaga cya titigil cya rin pababarangay ko cya sa salang pagnanakaw ng gamit ko...
eto pa po isa,...may cheque account po kasi ako,dahil sa kawalan ng pera naisipan lumapit sakin ng byenan ko at manghiram ng cheke sabi nya ipapakita nya lang daw sa client nya (he write songs kasi)yun just for assurance na may nagbabayad sa kanya,..sabi nya kasi may gagawin kasi cyang project para magkapera cya.i never thought na ipapaencash nya yun duon sa client nya(some sort na isinangla yata nya yun sa kanya).i even put amount and signed it thinking na hinde naman nya ito isasangla at gagawin pera,..hinde ko narealize na ganun pala ang balak nya...
i need some help regarding this problems...
1.sa tingin nyo anu ang pede namin gawin tungkol dun sa kinuha nyang gamit samin at about dun sa prublema nya sa 50k na yun.
2.about dun sa cheke ko,..anu po ba ang pede naming gawin..kilala ko po yung pinagsanglaan nya nun eh...
pasencya na po kayo sa haba ng istorya ko..
maraming salamat po.