good day.
hingi lang po ako ng advice regarding sa utang ng mama ko.
july 14, 2009 po ng makahiram sya ng 100k sa kaibigan nya. 6% po ang tubo. verbal agreement lang po ang meron sila. nag issue po ng cheque si mama. pero po ngclose account na po ung bank. alam din po un ng pinagkakautangan ni mama. kaya cash basis na po un mode of payment bago pa man makapag withdraw un nautangan ni mama. sa loob po ng 2 years naka bayad si mama ng tubo na 63k. tapos inabot ko po sa kanya ung 43k para ibawas na sa kapital. kaya ang balance po ay 132k (57k capital + 75k interest).
yung 132k po ay napagkasunduan(verbal lang po) nila na babayaran ni mama sa loob ng 13 months, na nagsimula noong nov. 2011. ang ipinakiusap po ni mama ay maghuhulog sya ng 10k mothly. nung november lang po nakapagbigay si mama ng 10k. tapos po nakapagbigay ulit ng 20k para sa dec. 2011 to feb. 2012.
ngaun march na po ulit magbibigay si mama. nakiusap na sya na hindi na nya kayang magbigay ng 10k buwan2. pero kaya nya ang 5k. ayaw po pumayag ng pinagkakautangan namin. ang gusto nya po ay ibigay na lang sa kanya un pamamahala ng tindahan namin, dahil sa katwiran nya na kanya naman po galing yun pera na pinambili dun. kasalukuyan pong nakasara ang tindahan namin dahil sa kasalukuyang problemang pang pamilya namin.tama po ba na ipilit nya ang gusto nya gayong gumagawa naman ng paraan si mama para makabayad.? at in any chance po, pwede kang mareduce un interest?
salamat po . aasahan ko ang inyong sagot. god bless