Gusto ko po sana magtanong kung up tp what extent ang kakayahan ng isang baranggay maghatol sa isang complaint. Dahil po sa isang complainant at complaint tungkol sa paglilinaw ng isang pag aari ay nakita sa bahay ng nirereklamo. Ngunit ang ipi-file na salaysay ay "nasa pangangalaga"..ngunit noong pong nag bigay ng supena ang baranggay upang imbitahin sa hearing ang inirereklamo ay nakasulat "theft"..papano po ba iyon yun po bang nagreklamo ay maaring isuit na "Libel"? sa anong grounds?
Isan pa pong situation sa kahit anong angulong usapan ay agrayado ang nagrereklamo..kapag po sumisigaw ang inirereklamo hindi pinatatahimik ng baranggay arbiter/tagapamayapa o kung ano man tawag doon. Ang isa pa pong sinabi ng baranggay ay ipinipilit nilang iwithdraw ang kaso dahil in the first place po daw may karapatan sila humatol sa kaso. Dahil hindi na po daw nila iaakyat sa piskal o sa susunod na kaso. Ganito po ba talaga ang tamang procedures?