Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.
IM wrote:Good day atty, the last time I sent you a message it was when I told you that a collecting agent called our office looking for me, this is regarding my unpaid balance in my credit card na di ko na po nabayaran since last jan. 2010...which suprisingly bloated to almost 400k na daw po sabi nung agent...out of confusion and nervousness, di hinang ko po ung phone, and kept on denying na di ako yung hinahanap nila... ngayon po, may tumatawag na babae sa office using several names tapos sinasabing kailangan ko sya kausapin, lahat ng co-employee ko sinisigawan nya at pinagagalitan kapag tinatanong sya regarding saan ang pakay nya sa pagtawag.. napikon po ata kasi di nya ako makausap, sinigawan nya ung kasamahan ko at sinabing, "bakit ba ayaw nyo sya ipakausap sa akin, bakit nahihiya sya sa utang nya ha! sabihin nyo bayaran nya ung utang nya!".. sobrang napaparanoid na po ako kapag nagriring ang phone sa office, ganun din ginawa nung ibang collecting agency sa dati ko pinagtrabahuan kaya napilitan akong mag-resign noon.. paano ba naman po ako makikipag-negotiate sa mga ganung tao, e sobrang paninindak at pangmamata ang inaabot ko..
IM wrote:I called the collector's number, they said they are from AIQON UNI CORP. Sabi nila, ibinenta na daw ng bank ung mga accounts na may unpaid balances sa credit card, and they will be the one to run after the clients who have not paid the bank for so long...they gave me their website aiqoncapital.com problem is the said company is based in Malaysia, wala man lang nakalagay na Philippine office nila. When I also told the person na tawag ng tawag sa office namin that I am recording our conversation bigla niyang ipinasa sa supervisor daw nya, which is "weird", galing nilang mangharass kapag naman irerecord ko na ung conversation magpapasahan sila.
They are also asking me to deposit 5k sa isang account na ang account name lang is MASTERCARD, I said nga wala talaga ako kapera pera, so they agreed kahit 1k lang daw magdeposit ako just to activate daw my account. Then I asked them to send me thru mail ng details about the said balances na sinisingil nila sa akin.
Atty., question ko lang po, is it legal? I mean, ung credit card company to sell mga unpaid debts sa kanila ng clients? Honestly, kinakabahan ako magbayad sa collector na un, kasi I haven't heard anything from the television or newspaper na the bank sold it to a certain Aiqon Uni Corp. What is more questionable is does this collecting office have the right to force me to pay, since sa bank ako may utang at hindi sa kanila (they just came into the picture just now). Hope you can enlighten me. Thank you.
Free Legal Advice Philippines » FREE LEGAL ADVICE » OBLIGATIONS & CONTRACTS | CREDIT TRANSACTIONS » harassment from collecting agent
Similar topics
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum