Need ko help. 2006 may salary loan ako sa isang lending company. nagbbyad nman ako until my father na ospital at na operahan sa puso kaya na stop ako magbayad. tapos nag file sila ng kaso sa akin. Noong medyo nakaluwag nagbayad ako ulit. then nag stop again kasi naging masasakitin nman ang nanay ko. late last year namatay na nanay ko so ngaun wala na ako intindihin kaya nag apply ulit ako ng trabaho. kumuha ako ng nbi dahil requirement ito. kaso noong kukunin ko na result pinapunta ako sa quality control. lumabas yong kaso ko. tanong ko atty ano ba dapat ko unahin gawain. puntahan ang rtc o makipagusap sa lending company? plano ko nman bayaran ito pero di ako makakuha ng nbi clearance para maka start na ako mag-work. may pag-asa pa ba ako makakuha ng clearance? tell me what to do please. maraming salamat.