Umutang po ako ng P35,000.00 sa isang nagpapautang sa lugar namin. May interes na 10% per month at 1.5 years to pay po ang usapan namin dahil sa ito ang makakagaan sa akin sa hulog na P5,100.00 kada buwan. Sa kabuoan, P 98,000.00 ang dapat kong bayaran.
Dumating po sa puntong P83,300.00 na ang total ng nababayaran ko. Pero sobrang gipit na ako, napaalis na sa inuupahan kong bahay at dahil dito, nakipagkasundo ako sa aking pinagkakautangan sa opisina ng Homeowners Association na huhulug-hulugan ko yung balanseng P17,600 sa halagang isang libo kada buwan.
Nakadalawang hulog pa lang po ako mula dun sa huling kasunduan namin pero sobrang gipit na po ako at hindi ko na po talaga kinakaya. Maaari ko na po bang itigil ang paghulog? Bale P85,300 na po lahat ang naibayad ko. Pakiwari ko hinding hindi na lugi yung pinagkakautangan ko pero ang iginigiit nya, nakipagkasundo ako sa halagang iyon.
Ano po ba ang pwede kong gawin?
Lubos na gumagalang at umaasang ako ay inyong matutulungan,
Jen