Good day po
Ask ko lang po sana ako ng legal advice regarding sa pagkakautang ng partner ko sa kanyang katrabaho
50000 po initial na utang ng partner ko sa katrabaho nya. Na dapat 10 months nyang babayaran at may interest na 7 percent per month at nagkakahalaga ito ng 3500 interest monthly, tuwing 15/30 po ang bayad kasama interest ito po ay may halagang 4250 .
85000 total ng babayaran nya with in 10 months.
Ito po yung naging problema
Dahil nga po sa iba pa pong pagkakautang ang partner ko sakanila bukod dun sa 85000 ay tinutubuan nya muna minsan at minsan naman po ay hulog.
Ang tinutubo po ng nagpahiram sakanya ay 3500 per sahod na dapat ay 1750 lang dahil ang 3500 ay pang isang buwan pero dahil yun ang gusto ng nagpautang pumayag na lang ang partner ko dahil nga yun ang iniinsist nila.
Sa loob ng 12 months ang total na naibayad ng partner ko ay 97000 na kahit na 2 months lang syang nadelay sa kanilang pinagusapan dahil hindi ang buwan ng usapan ang kanilang pinagbasihan kundi ang buwan buwan na pagtutubo ng partner ko.
Sa ngayon po 51000 pa rin daw po ang utang ng partner ko sakanila.
Hihingi po sana ako ng advice kung ano po ang pwede naming gawin sakanilang labis na pagpapatubo.
Gusto na po na itigil na nila ang paniningil dahil sa 10 months na dapat bayaran nadwlay ng 2 months pero total na naibigay ay 97000 na sa inutang na 50000 . In one year halos kalahati na ang tinubo nila