Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

CHILD CUSTODY

3 posters

Go down  Message [Page 1 of 1]

1child - CHILD CUSTODY Empty CHILD CUSTODY Thu Aug 02, 2018 2:22 pm

LandzDumalanta


Arresto Menor

Ang kuya ko at asawa nya ay nagkaroon ng problema.
Ang pamangkin ko ay isang 9yrs old at 5yrs old. Ang asawa ng kuya ko ay basta nalang umalis ng bahay ng walang paalam dala-dala ang pamangkin ko na 5yrs old. Natatakot kami sa kalagayan ng pamangkin ko gawa ng sakitin iyon at alam namin na hindi kayang sustentuhan ng pamilya nung babae ang pangangailangan ng pamangkin ko at higit sa lahat ang asawa ng kuya ko ay mapanakit sa anak, mapanakit na nitong nakaraang linggo bago umalis ng bahay ang asawa ng kuya ko ay dumaing ang pamankin ko na masakit ang lalamunan dahil dun pinacheck up namin sa hospital at napag alaman sa pamangkin ko na "sinaksak xa ng pencil" ng nanay nya na ikinagulat din ng doctor. kaya pinayuhan kami na ipaxray ang bata at lumabas ang resulta na may injury ang bata sa lalamunan. Kinabukasan ay nalaman nya na pinacheck up namin ang bata at nung hapon na iyon bigla nalang siya umalis ng kasama ang pamangkin ko.
Ngayon ay napag alaman namin na nasa Occidental Mindoro na daw ang pamangkin ko at wag na daw silang hanapin txt ng asawa ng kapatid ko.

Ano po ang pwede namin gawin khit na below 7yrs old pa ang aking pamangkin meron exception parin sa rights ng nanay tama po ba? like ung pagiging abusive nya.

Salamat sa tutugon.

2child - CHILD CUSTODY Empty child custody Mon Aug 06, 2018 12:42 pm

vhy


Arresto Menor

HI po, patulong nmn po, may kakilala po kasi ako humihingi ng payo, may nadisgrasya po syang babae, ngaun po ung bata po nd nia sigurado kung kanya talaga, wala po silang relasyon nung babae,pero pumirma po sya sa birth certificate nung bata kasi parang pinilit sya nung magulang nung babae. nagpapadala po sya ng sustento every month na 5k dun sa bata. Lately po, bihira n pong magpadala ung lalaki sa nanay nung bata, lagi pong nagttxt ung babae na idedemanda daw nia ung lalaki, tsaka ung babae po ay laging naninira sa social media dun sa lalaki at sa mga naiinvolve sa lalaki
Tanong po:
1. Magkano po ba ang dapat na ibigay na sustento sa bata ayon sa legal process?
2. Required po ba na magpadala ng 5k ung lalaki every month?
3 kapag po ba nagpakasal na ung lalaki at legal sila, kelangan pa dn po ba na magbigay ng 5k a month ung lalaki?
Thank you po sa sagot

3child - CHILD CUSTODY Empty Re: CHILD CUSTODY Mon Aug 06, 2018 1:04 pm

xtianjames


Reclusion Perpetua

@LandzDumalanta
try nyo lumapit sa DSWD. Ang pwedeng gawin ng kuya mo ay magsampa ng kaso sa korte para award sa kanya ang sole custody ng mga anak nila pero since this will take time, unahin nyo lumapit sa DSWD.

@vhy
1. walang set amount. ayon ito sa pangangailangan ng bata at kapasidad ng magulang. kung dadating sa korte, pwedeng ang korte ang magdecide ng amount na ito.
2. required sya magsustento every month. regarding amount, refer to #1
3. kahit may asawa ng iba yung lalaki kailangan nya magsustento sa anak nya.

kung idadahilan nya na hindi sya sigurado na sya yung tatay nun bata, magsampa sya ng kaso sa korte at magrequest ng DNA test.

Sponsored content



Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum