Kailangan pa po ba talaga na mag release ang NHA ng Deed of Sale gayung may hawak na Deed of Sale na ang buyer na pinagawa sa lawyer? Ibig sabihin magiging dalawa ang hawak na Deed of Sale ng Buyer?
Tama po ba na manghingi ang NHA ng 15% ng selling price na nakasaad sa Deed of Sale para mailipat ang Rights sa bagong owner. Mukha ho atang napakataas pa ng hinihingi nilang pera.
Ano po ba ang dapat gawin para mailipat sa bagong owner ang Rights ng land at para na din malakad ang mga papeles para patituluhan?
Baka po may suggestion kayo o na experience na ang ganitong sitwasyon maari niyo po ba ishare. Salamat po sa makakasagot.