Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Utang ng namatay, may share sa property na.minana, masisingil ko ba?

Go down  Message [Page 1 of 1]

rhode2516


Arresto Menor

I am so upset and was trying to look for an answer...browsing the net, I am lucky to get into this pinoylawyer site. Thank you.
May kaguluhan po ang istorya ko na ito, but I will do best na maiexplain ng maayos.
Panaganay ako sa 6 na magkakapatid, unmarried at 50. Ang father ko po ay galing din sa 6 na magkakapatid. Ang property po ay mana nila sa partido ng kanilang ama, bale po ay lolo ng tatay ng daddy ko.
Ang bunsong kapatid ng dad ko ay nagkaroon ng pagkakautang sa akin sa halagang 50K dahil ipinagpatayo ko sya ng bahay nung masunog ang compound nila dahil sa naiwan nyang nakasaksak na plantsa. Alam po ng lahat na kamag anakan at mga tiyahin ng dad ko na may pagkakautang sya sa akin. Wala po kaming kasulatan pero may iniwan po syang habilin, pirmado nya po, hindi notaryado...na kapag sya ay namatay, at nakuha na ang kanyang kaparte sa lupang mamanahin, ako ay babayaran ng kapatid nyang babae na may asawa na. Ang tiyahin ko po na may utang sa akin ay dalaga, pero may kinasamang tomboy sa loob ng 30 years...sya po ay namatay nung Oct 2007, at may nakuha pong diary na hawak ng kanyang kapatid ngayon...nakasulat din doon na ako ay babayaran galing sa mapapagbentahan ng knayang mamanahin.
Ang dad ko po ay namatay nung 2013. Sa generation nila, itong tiyahin ko na may asawa ang nag iisa nang buhay. Last year po nabenta ang isa sa kaparte ng tiyahin kong namatay. Ngayon po, ayaw akong bayaran nitong pinaghabilinan ng namatay. Sa kadahilanan po na kapatid ko naman daw ang nakatira sa bahay na iniwan ng tiya kong namatay. Gusto nya po ay magbayad sa kanya ng upa ang kapatid ko. Samakatuwid, yung 50K na utang sa akin ng namatay ay ginawa nyang kapalit sa dapat na upa ng aking kapatid. Wala po akong kinalaman sa pagtira ng kapatid ko sa bahay ng namatay, ang pumayag po ay ang tomboy na 30 years na kinasama ng tiya kong namatay. Hindi ko po alam kung may kasulatan, hindi ko alam anong kasunduan nila.
Ang tanong ko po:
1. May batas nga po ba ang Pilipinas na kapag mamatay ang may utang ay kasama ng mawawala ang pagkakautang ng namatay?
2. Ano po ang hakbang na dapat kong gawin upang mabayaran sa akin ang pagkakautang ng namatay dahil mayroon naman syang iniwan na habilin?
3. May karapatan nga ba ang tiyahin kong pinaghabilinan na gawin nyang kapalit ng upa sa bahay ng namatay ang utang sa akin na ginamit upang maipatayo ang bahay na hinahabol nya?
4. Ang lupang ibinenta po ay nakapangalan sa mga ninuno namin, valid nga po ba ang pumirma lang sa deed of sale ay sya at ang mga anak na panganay ng kapatid nya? Paano po yung isang lola namin na kapatid ng tatay nila na nabubuhay pa...na hindi naman pumirma?
5. Pwede pa ba ito ifile ng adverse claim? Ano po kaya ang tamang hakbang na dapat kong gawin?

Nawa po ay matulungan ninyo ako, kung amu ano na po ang naiiisp ko, dahil sa sama ng loob sa tiyahin ko. Na nung inaaaikaso nya ang pagbebenta ng lupang yun ay sa akin nanggaling nag lahat ng dokumento. At ang perang hinahabol ko ay pinagtrabahuhan ko naman, di gaya nya na wala naman syang maging puhunan.

Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum