Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Need advice tungkol sa property line ng lupa

3 posters

Go down  Message [Page 1 of 1]

jmpunzalan27


Arresto Menor

Good day. Magtatanong lang po ako tungkol sa tinayong bahay nang aking Tita sa tagaytay. Ang nangyari po ay bumili ng lupa ang Tita ko at pinakita ang lot plan layout noong May 2015 at nag occular inspection po sila pinakita po lahat ng mohon ng lupa. Nang nagtayo na po ng bakod ay sinunod po ang layout sa mga mohon na nakalabas sa lupa at sumunod na pinagawa ay ang bahay. Ngayon pong May 2016 ay magbabakod na din po ang katabing lote na nabili ng Tita ko. Ang nangyari po ay may sinakop po ang Tita ko sa katabing lote na humigit kumulang na 6meters base po sa layout ng katabing lote. may dumating po na Geodetic Engineer at sinabi na yung mga mohon na sinunod namin ay mali daw po. Anu po ang pwede namin gawin sa ganitong sitwasyon. Naway mabigyan nyo kami ng advice. Maraming Salamat po and God Bless..

betchay001


Reclusion Perpetua

Malaki po ang 6meters. Bakbakin nyo ang perimeter fence nyo.

Filia

Filia
Reclusion Perpetua

Ang ibig mo bang sabihin eh overlapping ang areas ng properties. Well, magtatrial pa kayo nyan. I-checheck pa yan sa DENR kung alin ang tama. Pero kung mistake naman talaga ng tita mo pero hindi sinasadyan, kumbaga in good faith, pwedeng ibenta ng may-ari nga lupa sa tita mo ang 6 meters. Or gagamitin nya ang improvements ng tita mo at babayaran siya pero 4 sure less ang value ng pagbabayad dyan.

jmpunzalan27


Arresto Menor

Maraming salamat po sa mga reply. Hindi ho ba kami pwedeng mag reklamo sa nagbenta ng lupa na by ocular inspection ay misleading yung mga pinakita na mohon sa amin kaya nagkamali po ng pagconstruct ng bakod..

Filia

Filia
Reclusion Perpetua

Titingnan din po kasi yan kung may authority din ang nagdescribe ng lupa na magbigay ng bounds and metes pero kung hindi naman govt office or engineer, di yon matatawag na panlilinlang kasi hindi naman presumed ang ordinaryong tao na malaman ang mga bagay na nasa expertise ng ibang tao gaya ng engineer. Pero kung sinadya talaga nila yan kahit alam nila ang totoong boundaries, pwede din sila maging liable dyan.

Sponsored content



Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum