Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Monthly allowance ng bata

4 posters

Go down  Message [Page 1 of 1]

1support - Monthly allowance ng bata Empty Monthly allowance ng bata Wed Jan 20, 2016 8:43 pm

edgar07


Arresto Menor

Ako po ay isang OFW. Kasal n po ako at ngkaroon po ako ank s naging unang leave in partner ko. Ngayon po hinihinggan po nila ako ng 50K monthly para dw po s bata at kung hind eh idedemanda nila ako. Sinabi ko po s kanila n din di ko kaya ang ganung kalaki. Ngayon po ay idenemanda nila ako tapos babaan nmn kako nila kasi sobra taas ng 50k monthly sbi po nila 25k maxado p din po un mabigat sakin hanggang pinabigyan po nila ako ng hold departure. Kaya hanggang ngayun po ay d p din ako makauwi ng pilipinas gawa ng natatakot po ang magulang ko n baka hnd n ako mkabalik s pingttrabahuhan ko gawa ng hold departure n isinampa nila laban sakin. Anu po b ang dpt kong gawin? Sila po b dapat mgsaad ng halaga ng dapat ko ibigay s anak ko? Kasi po ngsabi n po ako handa ako mgbigay bwan bwan kht 10k pero ayw nmn po nila. Maraming salamat po sana po ay matulungan nyo ako.

2support - Monthly allowance ng bata Empty Re: Monthly allowance ng bata Thu Jan 21, 2016 11:17 am

Katrina288


Reclusion Perpetua

Hi,


I'm sorry to know about your situation.

Ilang taon na ba ang anak mo?

Ang child support ay para sa:

1. living expenses (food, clothing, shelter, diapers, milk, etc.)
2. educational expenses (tuition fee, school supplies, uniform, school projects, transportation to school, etc.)
3. medical expenses (hospitalization, medicine, vaccinations, etc.)

Sa batas natin, wala naman "fixed amount" kung magkano ang child support na ibigay ng isang magulang sa anak. Ang halaga ng child support ay base sa pangangailangan o gastusin ng bata at sa kakayahan ng magulang na magbigay ng financial support.

Oo, dahil may hold departure ka, hindi ka makakaalis ng pilipinas pag-umuwi ka dito unless matapos na yung kaso.

Regards,

Atty. Katrina

http://www.kgmlegal.ph

3support - Monthly allowance ng bata Empty Re: Monthly allowance ng bata Fri Jan 22, 2016 4:16 am

edgar07


Arresto Menor

Gaanu po b katagal itatagal ng kaso kung sakali po harapin ko sila s husgado? At kung sakali nmn po n maayos gaanu po b katagal bago mawala ang hold departure sakin?

4support - Monthly allowance ng bata Empty Re: Monthly allowance ng bata Fri Jan 22, 2016 4:18 am

edgar07


Arresto Menor

Ang ank ko po ay 7 taong gulang na. Inalok din po nmin cla n kmi mgpapaaral ngunit tumanggi po sila.

5support - Monthly allowance ng bata Empty Re: Monthly allowance ng bata Fri Jan 22, 2016 1:11 pm

Katrina288


Reclusion Perpetua

Pwede umabot ng taon, depende kung ma-areglo pa at magkaroon na lang kayo ng compromise agreement, pwedeng mapaaga ang pagpadismiss ng kaso. At yung hold departure order mo naman mali-lift yun pag nadismiss o na-acquit ka doon sa kaso mo.

Actually, option na ang bata tumira na lang sayo. Kaso magkaka-issue kung ayaw ng ina ng bata sa ganoong set-up.

http://www.kgmlegal.ph

6support - Monthly allowance ng bata Empty Re: Monthly allowance ng bata Sat Jan 23, 2016 5:25 am

edgar07


Arresto Menor

Maam anu po b ang dahilan bkt tatagal ang kaso kpg ngharap kami? Pwede nya po b itong patagalin? Kasi po lalo ngaun ns ibang bansa ako d nmn po ako pwede tumagal ng isang taon s pinas bka po ito ang ikatanggal ko. S ngayon po ang alam ko po ns ibang bansa n din siya. Anu po b ang pinkamaganda ko gawin? Salamat po..

audry123


Arresto Menor

Kasal po kami at naghiwalay po kami last April 2015 dahil nalaman ko po na may babae sya at ngaun kinakasama na po nya. 5yrs old na po ung anak namin na naiwan sa kin and kkastart lang po nya sa school ngaun, nhhirapan po ako maghnap ng work dahil wala po ako mpag iwanan madalas sa anak ko para magbantay. at kulang po ung binbigay nya na sustento sa min, snasabi nya po un lang kaya nya ibigay pero nakikita ko naman po na gumagastos lang sya sa mga luho nya at nagbubuhay binata po sya. Gusto ko po malaman kng pwede po ako mag file ng child support kahit wala pa po ako trabaho? pumunta po ako sa office ng PAO dito sa min at sabi po sa kin kelangan may kkayanan din po ako magbgay financially sa anak nmin bago po ako pwede magreklamo na mas may kakayanan ung husband ko kaya mag ddemand ako ng child support. Tama po ba yun? Salamat po.

8support - Monthly allowance ng bata Empty allowance Wed Sep 19, 2018 8:48 pm

mpchina


Arresto Menor

Attorney,

Ako po ay isang OFW


I sent allowance to my wife Php 25,000 per month

Based on the “sumbong ng mga anak ko” na hindi sila binibigyan ng allowance at baon sa school at ibang mga projects

Laging wala daw po ang asawa ko lalo na sa gabi, at katulong lang nag aabyad sa aking mga anak

Now after two weeks, ubos na agad ang 25,000 per month.

Do I need to dig if there are any third party, lies, going on.


Note May sarili kami bahay.
Note that ang Php 25,000 ay sa kanila lang grocery, kuryente at baon.

May anak ako na 13 years old, 8 years old and 5 years old.


Question 1: Pwede ko po ba e-send na lang sa aking mga anak ang kanilang baon every week AED 1,000 pesos per week

Question 2: Pwede ko rin ba ipadala ang ibang portion para sa grocery ng aking mga anak, let say 10k, tapos 15k lang isend ko sa asawa ko.

Sponsored content



Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum