Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Unpaid Loan

Go down  Message [Page 1 of 1]

1loan - Unpaid Loan Empty Unpaid Loan Sun Sep 27, 2015 11:24 am

FreeUser


Arresto Menor

Hello,

Gusto lang po malaman kung meron po ba akong pwedeng gawing legal na hakbang sa taong may utang sakin. Ang halaga po ng inutang sa akin ay nag kakahalaga ng 72,500 Php. Bali ang nangyari po kaibigan po kasi ng kapatid ko yung umutang so tiwala po ako na kilala nya at mababayaran ako. Iniwan nya sa akin yung kotse nya bilang collateral (di pa bayad sa car financing) pero pinahiram at sinauli ko rin sa kanya dahil ginagamit nya iyon sa negosyo pang deliver ang sakin po kasi ay para makatulong lang na sya ay makabawi. Mayron po kame kontrata/agreement about sa loan pero hindi nya ito isinauli sakin nung binigay ko sa kanya at pinapirmahan. Ngayon po ay umiiwas na po sya at di na nag rereply sa mga text at bnlock na rin po ang number ko. Ang huling text nya po sa akin ay kung pede ba sya umutang ulit ng 5K at iisuehan nya ko ng cheke ng linggo ding iyon. Mayron po ako record ng email ng agreement at ng mga text nya sakin. Ano po ba ang pede kong gawing hakbang para masingil ko po ang tao? Alam kong kasalanan ko rin po kasi po ako po ay mapag tiwala at hindi nag secure ng mga dokumento. Pano po kung itanggi nya na may utang sya sakin? Makakatulong po ba kung ma videohan ko ang pag uusap namin at makita na sya ay may utang sakin, at yung mga taong saksi na sya ay may utang? Nakakainis lang po kasi na tumulong ka na pero parang lolokohin pa ng tao. Salamat po.

Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum