Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

spouse allowance or support

3 posters

Go down  Message [Page 1 of 1]

1support - spouse allowance or support Empty spouse allowance or support Fri Nov 28, 2014 2:57 pm

pcegay


Arresto Menor

ask ko lang po kung may obligasyon po ba na magbigay ng allowance or monetary compensation sa asawa?

ever since po kasi na ang asawa ko na po ang humawak ng aming kaperahan sa bahay, hindi po ako binibigyan ng asawa ko ng pang gastos sa aking personal na pangangailangan. Ako po ay diabetic at may maintenance medicine kaya po ng lumipas ang ilang buwan na hindi man lang nya ako tinatanong sa aking mga needs, na obliga po ako na maghanap ng trabaho para meron akong sarili kong pera. Sya po ang gumagastos sa pang araw araw na baon ng 3 namin anak, tuituion, at pati na palengke sa pang araw araw, kuryente at tubig. Nun ako po ay nagkatrabaho, hinihingan nya ako ng contribution para daw sa pamilya. Mula po noon, ako ang nakasagot sa aming grocery sa bahay at mga household needs. Pero pag naubos na ang aking sueldo (dahil sa pamasahe, pagkain ko, pati bayad load ng 3 ko anak at sarili ko) zero balance na naman ako. halos half po ng sueldo ko nauubos sa pag grocery at other household expenses na hindi nya ginagastusan.

Nang ako po ay naoperahan (hysterectomy) hindi rin po sya gumastos sa akin. Lahat ho ay na cover ng health card ko at philhealth. Ngayon po na mag 2 months na akong walang sueldo at wala kahit 20 pesos na sarili kong pera, ask ko lang po kung may obligasyon po ba sya, bilang asawa ko, na magbigay sa akin ng monthly allowance? o kinakailangan ko ho talaga lunukin ko na lang ang pride ko at humingi?

2support - spouse allowance or support Empty Re: spouse allowance or support Fri Nov 28, 2014 3:48 pm

karl rove

karl rove
Reclusion Perpetua

Obligasyon ng mag asawa ang magtulugan at magbigay ng supporta sa isat -isa. Kung hindi siya magkukusa magbigay dahil sa iyong matinding pangangailangan, may karapatan kang dumulog sa hukuman para kumuha ng kaukulag supporta sa iyong asawa.

Kung ayaw nyang magbigay despite nag dedemanda ka na sa kanya at (kailangan mo din namang mabuhay) pwede ka rin mag sampa ng kaso -VAWC.

3support - spouse allowance or support Empty spouse allowance or support Fri Nov 28, 2014 4:07 pm

pcegay


Arresto Menor


kahit po ba ako ay may trabaho puede po ako magsampa ng kaso para sa spouse support? Alam ko naman po na may pera sya na galing sa pinagbentahan ng lupain na naiwan ng kanyang mga magulang, ako po ba ay may karapatan humingi mula sa pinagbentahan na iyon? Malaki po ang napagbentahan nila samantalang ako po ay umaasa lang sa buwanang sueldo sa isang BPO. Ang asawa ko po ay nag iinvest sa negosyo pero hinihingan pa rin ako mula sa sarili kong sueldo.

4support - spouse allowance or support Empty Re: spouse allowance or support Sat Nov 29, 2014 7:52 pm

karl rove

karl rove
Reclusion Perpetua

Hindi nangangahulugan na kahit ikaw ay may trabaho hindi ka na pwede humingi ng suppporta kung hindi sapat ang inyong kinikita para sa iyong sarili at pamailya.

Yung bang lupa ay kanino naka titulo? ito ba ay sa asawa mo o sa kanyang pamilya. Kung sa kanyang pamilya, meron syang share dun. Kung meron syang share, meron ka din share na kukunin sa kanyang parte.

Kung gusto mong mag sampa ng kaukulang legal na hakbang wag kang mag atubili na magsabi sa akin.

Pm mo ako.

5support - spouse allowance or support Empty Re: spouse allowance or support Sun Nov 30, 2014 7:16 pm

concepab

concepab
Reclusion Perpetua

nakakalungkot lang na may maga asawa na ganyan ang trato sa kanilang kabiyak. dapat sa mga ganyang tao ang tinuturuan ng aral.

Sponsored content



Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum