Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

financial support to illigitimate children

4 posters

Go down  Message [Page 1 of 1]

1support - financial support to illigitimate children Empty financial support to illigitimate children Thu Oct 23, 2014 11:13 am

francekeats


Arresto Menor

ako po ay may kinakasama na at plano na naming magpakasal. subalit ang aking mapapangasawa ay may dating karelasyon at may lima silang anak. isang taon na silang hiwalay ng dati nyang asawa at hindi naman po sila kasal... pero patuloy lang po ang pagpapadala nya ng suporta sa mga bata.ang problema ko po ay sobrang asa po sa asawa ko ang dati nyang kinakasama.hindi po eto nagtatrabaho kahit hiwalay na sila at lahat maging sa maliit na gastusin ay inaasa pa sa asawa ko.nagwoworry lang po ako dahil papaano kung kasal na kami at may sarili ng mga anak at nakasandal pa rin sa amin yung dati nyang kinakasama.nakatira pa din yung dati nyang asawa sa bahay ng magulang ng asawa ko at ayaw umalis.gusto ko sana dahil hiwalay na din naman sila ay maghati sila ng asawa ko sa obligasyon sa mga anak nila hindi yung inaasa lahat sa asawa ko pati pansarili nyang mga luho.

sinuggest ko nga sa asawako na sagutin ng asawa ko lahat ng educational na pangangailangan ng mga bata lang. tama po ba eto?paano po ba nila mapaghahatian ng pantay ang responsibilidad sa mga anak nila? at tama po ba na nasa poder pa ng magulang ng asawa ko ang babae na yun? ano po ba ang gagawin ko? feeling ko ay ginagamit nya na lang ang mga bata para patuloy na umasa sa asawa ko. payuhan nyo po ako. salamat.

Katrina288


Reclusion Perpetua

Hi, ayon po sa batas ay obligasyon po talaga ng mga magulang yung pagpapa-aral sa mga anak nila. Kung kayo ng kinakasama mo ay nababahala sa pag-aasawa ng dati niyang girlfriend sa kanya, dapat ay magkaroon ang boyfriend mo at ang ex niya ng Agreement kung saan nakasaad doon kung magkano lamang ang ibibigay na suporta ng boyfriend mo para sa mga anak niya sa una niyang kinakasama.

Wala pong responsabilidad ang kinakasama mo o ang mga magulang niya na patirahin yung babae dun sa bahay nila. Ngunit kung kusa po nilang gawin yun para sa mga apo nila, nasa kanila na po 'yun.

Ang maipapayo ko sa iyo at sa asawa mo ay eto: Magkaroon sila ng WRITTEN AGREEMENT ng dati niyang kinakasama upang mapagkasunduan nila kung magkano lang ang ibibigay ng asawa mo sa mga anak niya sa una sa bawat buwan. At kung ano pa ang nais na sagutin ng asawa mo at nung babae.

http://www.kgmlegal.ph

3support - financial support to illigitimate children Empty reply Thu Oct 23, 2014 11:09 pm

francekeats


Arresto Menor

maraming salamat po sa suggestion nyo..gagawin po namin yang ipinayo nyo.dahil sa totoo lang ayaw na rin ng magulang nya na dun pa nakatira sa kanila yung dati nyang asawa dahil hindi rin nagkakasundo yung magulang nya at yung babae. kaya yung magulang nya ay umalis ng bahay at nakitira na lamang sa bahay ng kapatid nya..maraming salamat po talaga. malaking bagaay etong payo nyo.

Katrina288


Reclusion Perpetua

Ok po, walang anuman po. Siguraduhin niyo po na yung bf mo at yung ex niya ay parehong nakapirma dun sa written agreement. or pwede din po kayo humingi ng tulong sa abogado para sa pagsusulat ng written agreement. By the way, I am a lawyer, so if need more info or assistance, please PM me. Smile Goodluck po sa inyo. Smile

http://www.kgmlegal.ph

Jejemon_boy


Arresto Menor

Good Evening po Ms. katrina I need legal advice din po Please help po.

Katrina288


Reclusion Perpetua

Jejemon_boy wrote:Good Evening po Ms. katrina I need legal advice din po Please help po.

Hi, please PM me. Smile

http://www.kgmlegal.ph

Jejemon_boy


Arresto Menor

Ganto kasi yun sakin Ms. Katrina.. May 3yrs old po akong anak sa ex girlfriend ko. Sa US po nya ipinanganak yun bata kaya US citizen, naka apelido po sakin at nakalagay name ko pero wala po ako pirma kasi po asa singapore po ako nagwork. Simula po buntis yun ex ko binibigya ko po sya hanggang sa manganak hindi po napuputol ang sustento ko hanggang ngayon 3yrs old na po ang anak ko. Sa parents ko po halos lumaki yun anak ko pero etong yr lang din po kinuha na ng parents ng ex gf ko yun baby nmin kasi po mahigit isang taon na po kami hiwalay ako po nakipaghiwalay kasi po sa totoo lang magiging honest po ako may nagustuhan ako ibang babae sya po yung gf ko ngayon at may baby na din po kami. Yun po sustento ko sa anak ko dun na po pinapdala sa parents n ex ko tapos po lagi ko po sinsbi na ipagipon nila yun anak ko kung may sosobra sa padala ko, ilang buwan na po yun tas ipinapatanung ko po kung may naiipon po ba. Nagalit po yun ex gf ko bat raw po ipipatanung ko po kung may naiipon minasama po ata ang pagtatanung ko
Kaya po sabi ko sa ex ko babawasan ko po ng half yun ibibigay ko sustento at yun half ako n po ang magiipon para sa bata. Ngayon sabi nya idedemanda nya raw po ako. Ang tanung ko po, anu po ba mali sa ginawa ko and anu po ikakaso nya sakin?' Kung meron naman po? Anu po pede ko gawin ?' Ayaw nya ndin po ipakuha yun anak ko para po makapasyal sa mga magulang ko. Anu po ba pede advice nyo. Salamat po Ms Kat God Bless po

Jejemon_boy


Arresto Menor

Baka po malito kayo, sa US po pinanganak. Tas po iniuwi po ng pinas yun anak ko nun nag 5mons old hanggang nagyon po asa pinas anak ko pero yun ex ko po asa US ako naman po andto sa singapore. Hindi po kami kasal..

Katrina288


Reclusion Perpetua

Jejemon_boy wrote:Baka po malito kayo, sa US po pinanganak. Tas po iniuwi po ng pinas yun anak ko nun nag 5mons old hanggang nagyon po asa pinas anak ko pero yun ex ko po asa US ako naman po andto sa singapore. Hindi po kami kasal..

Hi, I sent you a PM. Thanks. Smile

http://www.kgmlegal.ph

hustisya


Prision Correccional

Hi. Baliktarin po natin ang sitwasyon. Paano po kung si guy ang hindi nagsusuporta sa kanyang anak, saan po ba ang tamang lugar at ano po bang mga hakbangin ang dapat gawin ni girl kung ayaw pumayag ni guy na gumawa ng written agreement? Thanks.

Katrina288


Reclusion Perpetua

hustisya wrote:Hi. Baliktarin po natin ang sitwasyon. Paano po kung si guy ang hindi nagsusuporta sa kanyang anak, saan po ba ang tamang lugar at ano po bang mga hakbangin ang dapat gawin ni girl kung ayaw pumayag ni guy na gumawa ng written agreement? Thanks.

The remedy is to file for a petition for support sa court. But of course you will need the assistance of a lawyer like myself.

http://www.kgmlegal.ph

hustisya


Prision Correccional

Thanks. But i have another question, is a child entitled for a financial support even he is an illegitimate? The father has recognized the child by signing the Birth Certificate.

Katrina288


Reclusion Perpetua

Yes.

http://www.kgmlegal.ph

Sponsored content



Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum