Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

lAND OWNERSHIP

2 posters

Go down  Message [Page 1 of 1]

1LAND - lAND OWNERSHIP Empty lAND OWNERSHIP Sat Feb 08, 2014 1:56 pm

Raphy


Arresto Menor

Atty. magandang araw po. Gusto ko lang po sanang magtanong kung may laban po ba kami sa pagkuha ng lupa na kami ang nag-cultivate for how many years. For historical information, may lupa ang mga kamag-anak ng lolo ko. Sa kanila po nakapangalan ang titulo ng lupa. Isa sa kanilang mga lupa ay pinamahala nila sa kanya. Kasi marami po silang lupa na nasa iba't-ibang lugar. Mga 40 years na ang nakakaraan nang pinamahal nila ito kay lolo. Noong panahon na yun, hindi pa po siya civilized or na-cultivate. Gubat pa po nung time na pinamahala ito ng mga kamag-anak ni lolo sa kanya. So, si lolo ang nag-develop, nag-cultivate at nagtanim ng mga crops for almost 40 years at ngayon ay may palayan na ito, mga puno ng niyog at mangga. Buo na po talaga ang pag-aakala namin na ibibigay na ito ng mga kamag-anak ni lolo kasi for how many years, hindi na sila bumalik. Nagulat nalang po kaming buong pamilya nang bumalik po ang mga kamag-anak ni lolo at gustong kunin ang lupa. Ayaw pong ibigay ni lolo kasi kung saan maayos na ang lupa, saka pa sila babalik. At kami narin po kasi ang nagbabayad ng buwis nito. May laban po ba kami sa titulo nila? ano po ang dapat naming gawin? Sana po ay masagot niyo ang katanungan ko.

2LAND - lAND OWNERSHIP Empty Re: lAND OWNERSHIP Thu Mar 06, 2014 9:18 am

udmlaw


Reclusion Temporal

may lupa ang mga kamag-anak ng lolo ko. Sa kanila po nakapangalan ang titulo ng lupa

Isa sa kanilang mga lupa ay pinamahala nila sa kanya.

si lolo ang nag-develop, nag-cultivate at nagtanim ng mga crops for almost 40 years at ngayon ay may palayan na ito, mga puno ng niyog at mangga.

Buo na po talaga ang pag-aakala namin na ibibigay na ito ng mga kamag-anak ni lolo kasi for how many years, hindi na sila bumalik.

Sorry po sa language pero kahit ilang taon o dekada na lumipas hindi magiging lolo mo nag may-ari dahil noong inayos niya ang lupa ay alam niyang mayroong may-ari.

Para pong masasabi na informal settler/squatter kayo sa lupa at walang makapagpipigil sa may-ari na bawiin yung lupa.

Sa pagdedevelop ng lupa e marereimburse ninyo naman ito kung mapapatunyan ninyo ang gastusin pero sa huli hindinh-hindi magiging dahilan ang pagdevelop ng lupa o pagtagal ng paghawak sa lupa upang maging may-ari.

Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum