Hi! Gusto ko lang po malaman kung legal ba yung bond na nasa contract ko. According to my contract, I have to pay 216,000, which is equivalent to my one year salary kapag nag-resign po ako bago ako mag-1 year sa company. Sa pagkakaalam ko po kasi bukod sa napakalaki ng bond na nilagay sa contract, nag-i-impose lang po ng bond kung nag-undergo ng training yung employee. Sa case ko po, hindi po ako nag-undergo ng training, ako nga lang po ang nag-aral ng proseso sa company at puro links and video tutorials lang po yung binibigay sakin tapos bahala na ako kung maintindihan ko o hindi. Tapos isa pa pong reason bakit gusto ko ng umalis sa company, wala po kaming allowance at walang health card tapos pinapagawa po kami ng mga trabaho na nde naman po kasama sa job description ko. Tapos nakalagay din po sa contract, after 3 months, ire-regular na ako pero 4months na po ako, hindi pa rin po nila ako ini-evaluate at lagi lang sinasabi na i-e-evaluate po ako. Kaya ko lang naman po pinirmahan yung contract kasi akala ko po kaya may bond kasi may training, hindi ko po akalain na self-study pala yung mangyayari tapos gagawa ako ng mga trabaho na sobrang walang kinalaman sa position na inapplyan ko at nakalagay sa contract ko. Please advise.
Free Legal Advice Philippines