Hello po. I just wanna ask for a little advice. ang papa ko po pinakulong ng mama ko dahil nag-file si mama ng kaso which violates r.a. 9262, eh hindi lang po sila nagkaintindihan kasi si papa nambabae, pero inamin nya na yon sa amin, at sabi ni mama wala na sya feelings kay papa, pero bakit pa niya pinakulong at nung nahuli sya, binantayan naman ni mama si papa sa pulis station. ngayon may bail po na 24k each, eh dalawa po kaso nya, kaya 48k po ang bail, nagfile ako ng motion to reduce bail kasi 24k lang po talaga naproduce ko at hindi ko akalain na dalawa ung criminal case na naisampa sakanya. ayaw po naming magkakapatid makulong si papa, at natatakot po ako na hindi maapprove ng judge ung motion to reduce bail na naifile ko. ano po ba ang maganda namin gawin kasi sabi naman ni mama iaatras na nya ung kaso, pero pinagalitan sya ng fiscal, at hindi na daw sya ang kalaban kundi ang people of the philippines na daw po, nong napagalitan sya ng fiscal sinabi ni mama na hayaan nalang daw namin si papa na makulong. natakot si mama sa sinabi nong fiscal kaya nasabi nya yon. kaya hindi nya ako tinutulungan magproduce ng bail, wala narin po kasi akong pera. mahirap lang po kami.