mala nobela po pero sana mabigyan ng pansin. salamat po.
nagwork po ako sa isang call center company at nagstart po ako nung june 2011 so december 2011 po ang pang 6 months ko. but unfortunately after nov 3 2011 ay di na po ako pumasok, in short di ko po natapos ang contract ko because of some personal reasons po.
then sa orientation po namin ang sabi samin ng relation officer doon is hindi daw po sila nag iissue ng certificate of employment kapag umalis sa company ng di pa tapos ang probationary or ung 6 months contract daw po. (kapag ganun po ba na sa orientation palang ay sinabi nila na di sila magiisue eh wala talaga akong makukuhang coe?)wala rin po pala sa contract na pinirmahan ko yung sinabi po nilang iyon.
next po is... from october 1-15 i receive naman po may salary then october 16-31 wala pong naginform sakin na hindi po ako makakasahod nang october 30. so when i asked my supervisor ang sabi nya sakin dahil daw po may ncns daw po ako. ang natatandaan ko lang po ay wala naman po syang pinapipirmahan sa akin na memo or kahit anung letter bago po yun. may pinapirma sila sa akin na ncns after ko po magtanong kung bakit wala po akong sahod.(di ko na po ba makukuha ang sahod ko from october 16-31? how about the back pay? meron din po kaya akong makukuhang ganun?
if meron po akong makukuha pa sa kanila kelan po kaya ang pinaka possible na maaga ko itong makukuha? gaano po ba katagal magrelease po ng backpay at coe?
please po need ko po nga answer. maraming salamat po.