gud pm po atty.. manghihingi po ako ng advice ninyo kung ano ang marapat na gawin.
I'm planning to buy a house po na pag mamay-ari ng isang mag-asawa. last year po nakapag bigay na ako ng partial payment na pirmado nilang mag asawa.
ang problema po ngayon, hindi na po magkasundo yung mag asawa dahil nambababae si lalake.
hinahangad na po nung asawang lalake yung kalahati sa ibabayad kong pera ngayon taon dahil nga daw po conjugal property ang bahay, eh ayaw naman po ng babae dahil bukod po sa umaaasa siya na magkakabalikan pa silang mag-asawa, ay siya naman po nagpatayo ng bahay sa sarili nyang pera dahil wala naman po trabaho si lalake. which is totoo naman po.
ang gusto po ng babae ngayon pag tumira na ako dun sa bahay, palalabasin na umuupa lang muna ako sa bahay pero ang totoo ang ibabayad ko sa "upa" kuno ay hulog na para sa kakulangan ko para sa full payment..
ayaw lang po kasi ng babae na malaman ng lalake na magbabayaran na para sa bahay at baka kunin ang pera at igastos daw sa babae nya.
tama po ba ang ganun??
hindi po ba ako magkakaroon ng problema kung sakaling pumayag ako sa gusto nung babae? gusto ko na po kasing makalipat..
kung mali po yun ano po ang maaari kong gawin?
pakitulungan nyo naman po ako.. salamat!!