mga limang taon ang nakalipas mula ng pumanaw ang tatay. heto ang kapatid niya galing america na umuwi at nag bigay ng idea na ibenta na namin ang property ng tatay (bukirin) kasi kaysa daw magintay ng buwis mula sa mga nagsasaka nito ay mas mabuti pang gawing pera na lang ang lupa at tutal, gaano nga lang naman daw ang ilang kabang palay na ibinubuwis sa isang taon. so kinausap kami ng tiyuhin ko at tinanong kung kami ay papayag. OO ang sagot naming magkakapatid. Hindi naman kami magkakaclose. At tingin ko po ay may anumang galit sa akin ang aking step mother at dalawa niyang anak dahil nung nabubuhay pa ang tatay ay kitang kita naman na mas malapit sa akin ang aking ama. ang isa ngang anak ng stepmother kuno ko ay kinu kwestiyon ang katauhan ng huli naming kapatid na bata. (na alam ko naman na tunay ko talagang kapatid dahil kitang kita naman sa itsura ng bata) at ito ay ipinaalam ng aking ama sa tiyahin ko bago siya pumanaw. Sa hinaba haba po nito, ito po ang mga katanungan ko
1. May karapatan ba ang "stepmother kuno" ko sa pagbebentahan ng lupa gayung puro single ang nakalagay sa mga titulo at mana ito ng aking ama sa kanyang mga magulang?
2. Puede ko ba kuwestiyunin ang "kasal" na sinasabi niya sa tiyuhin ko? dahil duda kami ng tiyahin ko kung kasal dahil ni isa sa 3 kapatid niya ay wala siyang pinagsabihan na siya ay ikinasal na? may pinapakita kasi siya na marriage cert (which i think ay fake). pano kaya ako makakakuha ng kopya nito kahit diko lam petsa nung sinasabing kasal sila, kasi ayaw magbigay.
3. Pano po ang hatian naming 4 na magkakapatid.
a. isang illegitimate pero nakasunod ang pangalan (ako)
b. dalawang legitimate daw
c. illegitimate pero di nakasunod ang pangalan.
d. ano nga po pala ang batas kapag may kasama ka sa lupain. (sa kaso po na ito, 2 hectares po yung lot, bale 2 po yung kasama.
marami pong salamat. at pinagtyagaan niyo basahin.
Last edited by kickazzz on Wed Jan 04, 2012 11:59 pm; edited 1 time in total (Reason for editing : mas pinahaba pa)