Eto yung mga situation pa namin now.
1. 25 years old na ako now and yung dad ko nasa Canada pero Filipino citizen but permanent resident dun. Ako naman nagtatrabaho na sa isang call center dito sa pilipinas tapos may TIN number na din. Yung income taxes ko naman maayos.
2. dalawang tao yung nautangan namin nun. nasa 1M+ na total and now lang nagkapera yung dad ko para mabayaran. If itatransfer ba yung pera diretso dun sa mga nautangan via wire transfer, kailangan pa magbayad ng donor's tax para dun?
Or mas maganda ba kung sa akin na lang ililipat ng dad ko, tapos ako magbabayad each nasa 600k+ dun sa nautangan. Pero kailangan ko pa ba magbayad ng donor's tax if tatransferan ko ng pera yung mga nautangan? Plan ko sila bayaran via bank transfer na lang.
Na-open etong topic na to kasi naikwento ng nanay ko dun sa asawa ng pinsan nya na abugado. kailangan daw namin magbayad ng donor's tax kaya naistress ako pati yung mama ko. Sabi naman nung kaibigan namin na lawyer no need na daw if cash naman ang ililipat. Nakakastress kasi sana mabayaran na yung utang mababawasan pa kung sakali dahil sa tax. Yung utang namin was done informally so walang kasulatan whatsoever and nagtitiwala lang yung nautangan na mababayaran sila and magbabayad naman kami. Tapos yung bahay pa na pangarap namin mababawasan rin ang panggastos kung magdodonor's tax pa.
Salamat po sa inyong lahat na sasagot at magbibigay ng oras para dito.