Bago lang po ako dito. Itatanong ko lang po kung valid ba yong mga binding contract? May sinign-an po kase akong contract na after ng training ko with the company, mag-wowork ako sa kanila for two years. Nung makapag-sign po ako, naiba yong terms.... before kami ma-hire, sabi nila, 6 months lang yong training at after dadalhin na akami sa specific department kung saan namin i-spend yong 2 years (pero hindi po ito naka-detailed sa contract). Nung matapos ang 6months, hindi kami dineploy kundi iniba nila ang plan.. iikot daw kami sa lahat ng dept ng company. Accountant po ako at 28 years old na. At hindi po masaya para sa akin na magstay sa company for 2 years working as engineer, HR personnel, etc. Mas gusto ko pong sa Finance na lang ako pero hindi po sila pumayag. Gusto ko na po mag-resign at maghanap ng ibang trabaho as an Accountant kaya lang po kasama po sa contract na kung hindi ko isi-serve yong 2 years, kelangan kong magbayad ng almost 200,000. Valid po ba yon? Please advise. Salamat po