Nais ko po sanang humingi ng tulong tungkol sa binding contract na napirmahan ko sa trabaho ko. Kasama ng pagkaka-hire sa akin, hindi daw ako maaaring magresign sa trabaho sa loob ng dalawang taon. Sampung buwan pa lang po ako sa trabaho at hindi maganda ang nararanasan ko sa trabaho. Nahihirapan ako, sobrang stress ang nararanasan ko sa trabaho dahil sa pambubulyaw ng amo ko sa akin, sa madaling salita nais ko na pong magresign sa trabaho. Posible po ba na ma-waive yung binding contract ko na halagang Php200,000? Wala naman po akong training abroad.
Gumagalang,
Randy