Yun nga lng po sa sobrang tahimik nila parang feeling ko na hindi ako nageexist sa kanila, feeling ko po tuloy na border lang ako s bahay nila. At dahil po dun wala akong power sa bahay na yun na makakilos ng maayos or makapadesisyon man lang. Hindi ako makakilos ng maayos or makapagdecide man lng dahil alam ko na nakikitira lamg kami doon.
At yung husband ko parang priority pa dn nya ang mama nya at mga kapatid nya.
Tapos po namatay po ang byenan ko lalake. Simula po ng mangyari yun mas naging priority lalo ng husband ko ang nanay at mga kapatid nya. Yung mga kapatid nya po asa College na at yung iba nagtatrabaho na.
Gusto ko po kausapin yung husband ko na sabihin sa kanya na dapat ako na ang priority nya at ng magiging anak namin dahil po buntis ako ngayon.
Tama po ba na sabihin ko yun sa husband ko? At sabihin sa kanya na magbukod na kami ng bahay? Nahihirapan na po kasi ako na nakikitira lang kami sa bahay ng magulang nya.
Sana mabigyan nyo po ako ng advise kung ano po ba yung dapat ko gawin. Maraming salamat po in advance.