Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Karapatan ng legal na asawa at anak

3 posters

Go down  Message [Page 1 of 1]

1Karapatan ng legal na asawa at anak Empty Karapatan ng legal na asawa at anak Sat Apr 15, 2017 9:13 pm

alwayserica


Arresto Menor

Hello po Atty.
Sana po matulungan nyo ako... bale meron po ako asawa at may isa po kaming anak. Ofw sya ngayun sa middle east, nagpapadala po sya sa amin ng anak ko 18-20k per month depende po sa pangangailangan namin. Bale wala po ako trabaho mula nun nagbuntis po ako. Nakatira kami ng anak ko ngaun sa mga magulang ko at nag bibigay dn kami ng share namin sa gastusin sa bahay at pagkain.

Last year po ay nalaman kong may kinakasama na ang asawa ko at buntis na yun babae. Inamin nya po mismo sa akin at huminge ng sorry, ako naman po si tanga naging handa parin akong tanggapin sya sa inaakalang gusto nya maging maayos... hininge ko pong magiging maayos lang kami kapag magawa nyang kalimutan yung babae nya pari yun anak nya doon. Kinausap ko din yun babae at sinabe nya na nung una daw nde nya alam na may asawa saka nalang nalaman nun buntis na sya pero ganon pa man kung ako daw pipiliin ng asawa ko irerespeto nya at lalayo sya.

Nagbago po lahat sa amin ng asawa ko, nakikita ko online sya sa fb pero nde nya ako pinapansin hanggang sa sinabe ko ng ayaw ko na at tapusin nalang naman ang lahat, nag agree sya nirerespeto daw nya ang gusto ko mangyare. Ilang araw kong pinag isipan ang lahat ang na realize kong nde ko dpat sinabi yun kaya naman kinausap ko ulit sya pero para sakanya nun sinabe ko daw ayaw ko na eh yun na yun.. nde na daw nya kaya pang ituloy ang marriage namin dahil wala ng pagmamhal pero nde daw nya kami pababayaan ng anak namin tuloy parin sustento nya.

Kaya naman pinabayaan ko nalang sya at sa kung ano gusto nyang gawin. Nanatiling 18k per month ang pinapadala nya pero kinausap nya ako nun February at sinabe na kailangan nyang babaan ang binibigay nya at baka nde nga na makayang paaralin ang anak namin sa private school. Sabi nya baka 14k nalang makakaya nya per month pag may school at 12k kapag bakasyon. May chance daw kasi na baka nde na sya makabalik sa company kung san sya ngaun work dahil nagbabawas daw ng tao at gusto din naman daw nya makapag set aside ng pera. At kung makakabalik naman daw sya gusto nya daw mag open ng educational fund ng anak namin para sa kolehiyo nya kaya nde nya makakaya ipasok na ang bata sa private, gusto nya ipasok ko anak ko sa public school. Mejo nagkaroon kami ng nde magandang pag uusap dahil ayaw kong malipat anak ko sa public school. Ano daw silbi ng pag aralin sya sa private kung pag dating sa college wala na, in case daw mawalan bgla sya work. Di ko maintindihan dahil 5 palang anak namin.

Last week po ay meron akong natanggap na sulat parang MOA sya nagsasabi na mula last year august ay hiwalay na kami. Nilagay din nya don na ang kaya nalang nya ibigay sa amin is 9k per month for basic needs only, bale parang naka breakdown don 6k sa bata at 3k sakin hanggang wala pa ako work tapos kapag meron na at tumaas sa 12k monthly ang sweldo ko mawawala na sustento sakin sa bata nalang padada nya. Dami din po sya demand sa letter kagaya po ng regular na update tungkol sa anak namin. Dinemand din nya na kapag umuwi sya ng pinas ay gusto nya kunin ang anak namin para doon mag stay sa bahay nila minsan kapag weekend.

Ang pagkakaalam ko po ay sinuyo nya ulit yung babae nya at nanganak na sya ngaun. Ayaw ko po sana na ipakilala ang anak ko don sa bagong pamilya nya, baka po kasi ma apektohan ang anak ko dahil 5 years old lng sya.

Ano po ba ang mga puede kong gawin para nde nya babaan ang sustento nya sa amin? Para manatili sa private school ang anak ko. Puede ko ba syang kasuhan? Sila ng babae nya? Ano ano po ang mga puede kong gawin? Patulong naman po... salamat..

2Karapatan ng legal na asawa at anak Empty Re: Karapatan ng legal na asawa at anak Mon Apr 17, 2017 7:04 am

alwayserica


Arresto Menor

Sana po may mag reply dito kailangan ko po talaga ng advice sa issue na to... maraming salamat in advance...

3Karapatan ng legal na asawa at anak Empty Re: Karapatan ng legal na asawa at anak Mon Apr 17, 2017 8:52 am

maycristina


Arresto Menor

Good day po!

May MOA na po kami ng husband ko na magbibigay sya ng 25k monthly. Nun Dec 2016 nagbakasyon po sya dto sa Pinas. March 2017 po nakabalik sya sa Saudi pero hndi n po sya nagpadala ng sustento namin. Sabi nya malalaki na dw mga anak namin. Khit dw idemanda ko n lng sya, hndi n daw sya magbibigay ng sustento.

Kasal po kami. 2 po anak namin, 26 years old, babae at kasalukuyang nag PhD sa Korea, Samsung scholar. 22 years old po un bunsong lalaki, kakagraduate lng sa kursong Elementary Educ nitong Apr 2017.

2005 nun malaman ko n may kabit sya. May 2 anak n po sya dun s kabit nya.

Jan 2015 po kinasuhan ko sya ng RA9262, pero iniurong ko nun magbigay na sya ng sustento nya.

Pkitulungan po ninyo ako na makahanap ng abugadong tutulong sa aming mag iina.

Maraming salamat po!

Maria Cristina Y. Macalino
Imus, Cavite

4Karapatan ng legal na asawa at anak Empty Re: Karapatan ng legal na asawa at anak Mon Apr 17, 2017 10:46 am

alwayserica


Arresto Menor

Hello po ms maycristina, please create po sana kau ng sarili nyong thread para nde po confusing sana para mabigyan po tayo ng advice accordingly kasi po magkaiba po tayo ng sitwasyon.

5Karapatan ng legal na asawa at anak Empty Re: Karapatan ng legal na asawa at anak Mon Apr 17, 2017 3:59 pm

xtianjames


Reclusion Perpetua

@alwayserica
Ikaw din ba yung nagpost before using a different username? mukhang familiar kasi yung story mo.

6Karapatan ng legal na asawa at anak Empty Re: Karapatan ng legal na asawa at anak Mon Apr 17, 2017 5:52 pm

alwayserica


Arresto Menor

Nde po dalawang beses ko lng po naipost kasi may nag post ng issue nila sa reply dito.... please tulong naman po kasi binigyan lang ako 10 days to answer sa Moa nya

7Karapatan ng legal na asawa at anak Empty Re: Karapatan ng legal na asawa at anak Mon Apr 17, 2017 7:39 pm

xtianjames


Reclusion Perpetua

breakdown natin yung inquiry mo ha since medyo may kahabaan.
1. regarding sustento, base ito sa kapasidad ng magulang at pangangailangan ng bata. since nagbago ang circumstances ng asawa mo since nagka anak sya sa iba, natural na makaka-apekto ito sa kapasidad nya. regardless kung bastardo ang anak nila, responsibilidad parin nyang sustentuhan sya.
2. regarding sa pag aaral sa private school, kahit magkademandahan kayo, hindi mapipilit ang asawa mo na panatilihin sa private school ang anak nyo kung wala naman na talaga sya kapasidad na tustusan ito. at sa punto nya na baka maalis sya sa kumpanya, totoo ito since i can personally confirm na mahirap ang sitwasyon ngayon dito sa middle east (sa UAE ako based). kahit 5 years old pa lang ang anak nyo, dapat nga na paghandaan na yung kolehiyo nya Lalo pa ngayon na hiwalay na kayo. hingin mo lang sa kanya yung proof na may college fund talaga yun anak nyo at di sya nagpapalusot lang. naiintindahan ko na gusto mo sa private school magtapos ang anak mo pero tandaan mo kahit pa sa pinaka exclusive na elem/highschool sya nagtapos, kung di sya makakapag college eh wala din syang mahahanap na matinong trabaho.
3. about naman sa custody ng bata, tandaan mo na kahit na hiwalay na kayo ay sya padin ang tatay ng bata kaya pantay lang kayo sa karapatan sa anak nyo. kung tingin mo makaka apekto talaga sa anak mo yung pag expose sa bagong sitwasyon ng tatay nya, pwede ka magsampa ng kaso for sole custody ng anak nyo. dun lang yung time na pwedeng mawalan ng karapatan ang asawa mo sa anak nyo.
Ano po ba ang mga puede kong gawin para nde nya babaan ang sustento nya sa amin? Para manatili sa private school ang anak ko. Puede ko ba syang kasuhan? Sila ng babae nya? Ano ano po ang mga puede kong gawin? Patulong naman po... salamat..
pwede ka naman magsampa ng kaso pero hindi mo masisiguro na mapapanatili yung sustento sa inyo since pwedeng itigil ng asawa mo tuluyan yung pagsustento hanggang matapos yung kaso or mas masama eh di na sya tuluyan magpakita sa inyo since nasa ibang bansa sya (wala pong pilitan pinapauwi ng pinas dahil lang sa di pagsustento).

Sa personal kong pananaw, since tanggap mo naman na hiwalay na kayo, maghanap ka na ng trabaho para makatulong sa pagpapalaki sa anak nyo. mas madami ka magiging options para sa anak mo kung pati ikaw ay nagproprovide sa kanya (like ipasok sya sa private school tulad ng gusto mo).

8Karapatan ng legal na asawa at anak Empty Re: Karapatan ng legal na asawa at anak Mon Apr 17, 2017 7:49 pm

alwayserica


Arresto Menor

Meron po kasulatan na naka attached sa MOA na sinend sa akin, parang statement of account yun pero nakasaad don na wala akong habol don at tanging anak lang naman makakagalaw non kapag 18 years old na sya at papasok na ng college kapag nag decide na ayaw nya mag college babalik lahat sa asawa ko yung mga naicontibute nya doon dahil sya lang ang beneficiary.

Sa tingen ko kaya naman nya tustusan pag aaral ng anak namin sa private eh ayaw lang nya.

9Karapatan ng legal na asawa at anak Empty Re: Karapatan ng legal na asawa at anak Mon Apr 17, 2017 7:54 pm

xtianjames


Reclusion Perpetua

kung ganun pwede ka magreklamo kaso kailangan mo ng matibay na ebidensya na tinitipid talaga ang anak mo. tsaka tulad ng sabi ko, magingat ka din na baka ang gawing ganti ng asawa mo once ireklamo mo sya ay tuluyan itigil ang pagpapadala ng sustento. to be honest mahirap magcompel ng tao na magsustento ng certain amount since madali patunayan na yun lang ang nasa kapasidad nya (kung magkano man current na padala nya).

Sponsored content



Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum