Ako po ay kasal at may 1 anak na babae. Sa kasalukuyan po, nasa Saudi po ang husband ko. Umuwi po siya dito sa Pinas noong nkaraang taon ng hindi ko alam. Huli na po ng nalaman ko na hindi po pala siya agad umuwi sa amin ang anak ko at sa ibang babae po siya umuwi pagkagaling sa Saudi. Ang masakit pa po noon ay umuwi lang sya para hiwalayan ako at hindi pa siya nakuntento, ako po ang pinalabas niyang may ibang lalaki. Guilt free po ako dahil noong time po na nagtatrabaho siya sa saudi, ako naman po ay nagpatuloy sa pag aaral ko ng Education at alam ko po sa sarili ko na malinis akong babae at may takot po ako sa Diyos kaya never ko pong lolokohin ang asawa ko,malaki po ang pagpapahalaga ko sa pamilya ko.
Halos lahat po ng perang iniuwi ng husband ko galing Saudi ay naubos sa babae niya at nagkaroon pa po siya ng utang dito sa Pinas. Hanggang sa may nakita po akong simcard na tinatago ng husband ko at pinakealaman ko po iyon, tanging number lang ng babae niya ang nakasave sa phonebook ng simcard kaya hindi po ako nagatubiling tawagan at nagpakilala po ako sa babae niya. Naging napagulo po ng sitwasyon ko noong time na umuwi po ang husband ko.
Hanggang sa makabalik po siya sa Saudi, naging regular po ang paguusap namin sa unang dalawang linggo niya doon pero pagkatapos po noon ay nawalan na po kami ng komunikasyon. Gumawa po ako ng sariling pag iimbestiga kaya nalaman ko po kung sino ang babae niya, napag alaman ko po na napakalapit sa Diyos ng babae ng husband ko at buong pamilya po ng babaeng iyon ay naglilingkod din sa Diyos. Kaya ang ginawa ko po ay buong pagkukumbaba ang pakikipagusap ko sa pamilya ng babae, naging maayos na po ang pag uusap namin ng father ng babae pero umabot po sa hindi maganda ang pag uusap namin dahil nakakitaan ko po ng hindi pagiging sincere yung father sa mga sinasabi niya sa akin dahil nagawa po akong siraan ng husband ko sa kanila, pinalabas po niya na may iba akong lalaki.Sa totoo lang po ay nainsulto po ako sa father niya na wala daw po siyang pakialam sa mga bagay na ibinigay ng husband ko sa anak niya at wala din daw po siyang pakialam sa problema ng pamilya ko, samantalang hindi naman po mangyayari lahat ng ito kung hindi din po dahil sa anak niya na pumatol sa husband ko. Ineexpect ko po na mahihinto na ang pag uusap ng husband ko at ng babae niya pero hindi po ganun ang nangyari, patuloy pa din po ang komunikasyon nila at pinapalabas pa po nila na ako ay nangugulo sa pamilya nila. Hinihiling ko lang po sana noong una sa babae at sa pamilya niya na pag usapan ang problema dahil masyado na po akong nasaktan sa nangyari at katakot takot na mura at pananakot ang ginagawa sa akin ng husband ko. Ngunit, imbes na maayos ang problema ay iniwasan po ako ng pamilya ng babae. Umabot na po ako sa kasukdulan kaya naisip kong bawiin lahat ng naibigay ng husband kong mga mamahaling gamit sa babae niya.
Nakakalungkot po isipin na pinagpalit niya kami ng anak niya sa babaeng iyon. Magpapakamatay pa po ang husband ko para ibigay lang yung annulment na hinihiling niya sa akin.
Gusto ko lang po malaman kung ano po ang mga karapatan ko bilang tunay na asawa. May laban po ba ako kung idedemanda ko ang husband ko at ang babae niya dhil umamin na po ang husband ko na may relasyon silang dalawa at walang dudang alam ng babae na may pamilya ang asawa ko habang sila ay may relasyon? May karapatan at laban po ba ako na kunin ang mga bagay na ibinigay ng husband ko sa babae niya? Gusto ko po sanang puntahan ang babae ng husband ko sa mismong bahay nila, ano po ba ang pwede kong gawing hakbang kung sakaling pupuntahan ko yung babae?