*2009 nagsara ang nasbing internet shop dahil sa hindi maayos na paghawak ng pera ng nasabing kakilala, na hindi nakakabayad ng renta ng shop, internet at kuryente. Nilipat ang ang internet shop sa bahay ng kakilala at gusto niya na ako uli ang mag manage. Sa dahilan na walang kasiguruhan ang kanyang plano at dahil na rin halos taon na ako na walang suweldo sa kanya. Ako ay hindi pumayag at hindi na lang nagpakita.
*June 2009 senetup ako ng nasabing kakilala. Sinundo ako sa bahay na inuupahan ko sa tulong ng dating kaibigan. Sumama ako at walang kaalam-alam , habang nasa loob ng sasakyan ng kakilala ako ay binugbog, hinampas ng baril. At dahil ang kakilala kong ito ay may mga koneksiyon at kaibigang pulis. Dinala ako sa isang prisinto sa Makati at ako ay pinakulong. Ayon sa kanyang salaysay ay nahuli daw niya ako ng aktong pagnanakaw sa loob ng kanyang bahay kung kaya akoy binugbog at ipinakulong. Wala akong nagawa dahil na rin sa takot at trauma sa pagkakabigla sa mga pangyayari.
*Inilipat ako kulungan sa CID at kinaumagahan ako ay pina inquest sa piskalya. Nang ako ay dinala sa isang PAO lawyer ikinuwento ko ang tutoong pangyayari at advice ng PAO lawyer kung totoo ang aking salaysay magrequest ako ng preliminary investigation at ihanda ko ang mga patunay. At dahil meron akong isang napakabigat na patunay at tistigo sa araw at oras kung nasaan ako nagpunta bago niya ako sinunundo sa aking inuupahan sinunod ko ang advice ng PAO.
*Natunugan ng nasabing kakillala na handa na akong lumaban! Kung kaya pagharap namin muli sa Piskalya at nang pinagusap kami privetly, nag offer siya ng kasunduan o areglo. To make long story short inatras niya ang reklamo. At ako ay inisuehan ng affidavit of desistance.
*Ngyon po ang aking katanungan. May criminal record na po ba kung ako ay kukuha ng NBI Clearance for abrod?
*Meron pa pong karugtong ang kuwento kasi nagfile ako sa Manila after a week ng pangyayari. Ng Physical injury, Coercion at anti carnapping dahil ang areglong ginawa niya habang wala pa akong pambayad sa gusto niya ay kinuha niya by force ang aking motor. Pero dahil nga maraming koneksiyon at kakilala na dismiss lang ang file ko after ng mga hearing naming sa piskalya sa manila.