need advice po please.
kasal po ang parents ko nung 1970's both civil and church. kamakailan po nung kumuha ako ng certificate of marriage nila sa NSO, wala po record. pumunta po ako sa manila city hall at wala din record ang kasal ng parents ko.
pinuntahan ko po yung church sa manil na pinagkasalan ng parents ko at dun may original documents record sila ng church at civil wedding ng parents ko.
halos complete ko na po ang requirements para ipa late registered nalang ang kasal ng parents ko. ang naging problem ko lang po ay ang sa CENOMAR:
lumabas po sa CENOMAR ng mother ko na hindi siya kasal. at sa CENOMAR naman po ng papa ko ay kasal siya sa 2 babae. isang kasal niya ay sa hongkong nakaregister at yung isa ay sa quezon city. both po na kasal ay nagyari between 1990-2000.
lumalabas parin po kung titignan na una ang mother ko na nakasal sa papa ko, yung nga lang hindi napa register sa civil registry.
ito po sana ang gusto ko malaman:
1. gusto ko po sana ipa late register ang kasal ng mama at papa ko, kaso kung ang CENOMAR ng papa ko ay married siya, ano po ba ang dapat ko gawin. sa mama ko naman po siya unang nakasal nung 1970's. paano ko po ba mapapa register ang kasal nila kahit may record na kasal ang papa ko sa 2 babae.
2. anong kasal po ba ang lalabas na legal? yung sa mama ko na naunang ikasal pero di naka register o yung kasal ng papa ko sa 2 babae?
3. may habol po ba yung 2 babae sa papa ko at ari arian namin pamilya? ano po ba maganda gawin dito?
4. illegitimate child po ba kami ng kuya ko?
5. ano po ba ang dapat gawin? makakasuhan ba ang papa ko ng bigamy pag na register ko itong kasal nila ni mama ko? ayaw ko kasi mangyari sa papa ko yun.
sana po ay matulungan niyo ako. talaga po worried ako at stressed sa natuklasan ko na ito. ayaw ko pa po malaman ng mama ko na ganito kasi may edad na po siya at baka maka affect sa health niya.
yung papa ko po kasi OFW at hindi naiwasan na magkaron babae sa ibang bansa. naayos ko na po dati na mabuo ang pamilya namin at ngayon ay nagbago na ang papa ko. ito nga lang lumabas nanaman ang problema.
malapit narin po mag retire ang papa ko sa ibang bansa, baka mapunta lang sa ibang tao ang makukuha niya at kami po ang makawawa.
salamat po sa makakatulong. Sana po ay bigyan kayo ng panginoon ng maraming blessings sa pagtulong niyo sa aming mga may problem. salamat po