Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.
chrysthylc wrote:atty, ako po nabuntis ng me asawang tao pero di po kami kasal dahil kasal pala sya sa una,, pero di po kami ngayon nag sama dahil nasa ibang bansa sya pero hangang ngayon kami pa po, puede po ba ako kasohan ng asawa nya na adultery or begamy na di naman kami kasal nag ka baby lang po kami?
political _animal wrote:good day po,
isa po akong ofw dito sa saudi arabia,
habang nandito ako nong 2008 and 2009, may naiwan akong girlfriend sa pilipinas at noon din po ay nagkaroon ako ng iba pang kasintahan na nasa pilipinas din. umuwe ako nuong 2010 nabuntis ko yung una ko gf, nagdesisyon kame pakasal. subalit ayaw pumayag ng isa ko pa gf at gusto rin nya na pakasalan ko din po siya. Dahil sa malubha niyang karamdaman sa puso napapayag nya ako na kame ay ikasal din kahit alam nya na ikakasal na ko sa una ko gf na nuoy buntis na. nakaplano na ang kasal namen ng una ko gf May 22, 2010 sa Catholic church at nuong May 19, 2010 ay nagpakasal kame nung pangalawa ko gf sa Manila city hall isang secret marriage at hindi ko akalain na legal din pala yung secret marriage na yun kahit pa wala namang witness, walang parental consent (22 pa lang siya nuon)at hindi ko totoo pirma ang nasa marriage certificate.Lumipas ang ilang buwan nalaman ng una ko gf na nagpakasal din pala ako sa pangalawa ko gf. Sa ngayon ay hiwalay na po kame nung una ko gf at sinusoportahan ko ang anak namen. yung pangalawa ko gf ang pinili ko makasama bagamat magkalayo pa rin kame dahil nandito pa ako sa saudi. Tanong ko lang po ano po ang pwede ikaso saken at sino ang my karapatan magfile ng demanda. Pwede po ba ako maextradite from saudi sakali kasuhan na ko. Magkano po ang bail sa kaso ko kung saka sakali. Ilang taon po ang pagkakakulong kung maconvict ako. Ok naman kame ng both parties ang kinakatakot ko lang po ay pag nalaman sa bawat pamilya nila ang tunay na nangyare.
Sana po ay mapayuhan ninyo ako tao lang po ako na nagkakamali at nagsisisi po ako sa aking nagawa.
Salamat po.
Free Legal Advice Philippines » FREE LEGAL ADVICE » FAMILY AND MARRIAGE » Adultery/Bigamy and Annulment
Similar topics
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum