Good afternoon po. Nag request ang isa kong kaibigan kung pwede daw ba akong maging comaker nya sa gagawin nyang loan. Matagal na kaming magkakilala nun at madalas ay nakakatulong sya sa pinansyal na problema ko kaya alam kong may kakayahan syang magbayad. Napirmahan na naming dalawa ang papel na para sa loan na gagawin nya. Naisipan kong magbasa upang malaman ang mga kahihinatnan kapag ang principal ay hindi nakapagbayad sa kanyang loan. Nalaman ko na ako ang magbabayad ng loan nya kapag 'di sya nakabayad. Nagdecide akong magback out pagkalipas ng dalawang araw simula ng makapirma kami. Tumawag ako sa loan company at sinabing magba-back out ako. Nung tinanong ko sila kung "ok na ba at kung wala na akong magiging problema," sumagot sya ng "ayos na daw." Tinawagan ng nakausap ko from that loan company ang kaibigan ko na maglo-loan upang sabihin na nagback out na ako as his comaker. Pagkatapos nun ay sinabi sakin ng kaibigan ko na tinawagan daw sya at sinabing na-approve pa rin daw ang loan nya kahit wala na ako as comaker dahil nakita daw ng kumpanya na may pera sya sa bangko. Akala ko ay ayos na. Pagkalipas ng halos apat na buwan, tumawag sakin ang tauhan ng isang kumpanya at sinasabing maghahabla dw sila ng criminal case laban sa aming dalawa dahil di daw namin nabayaran ang utang at ang binabayad ng kaibigan ko ay mga talbog na cheke. Sinabi ko sa kausap ko, na ibang tao sa nasabihan ko na back out na ako, na nakipag usap ako sa kumpanya nila para mag back outas comaker. Ang sabi nya ay kasali pa din daw ako at comaker pa rin daw ako ng kaibigan ko. Ano po ba ang pwede kong gawin para di madamay sa kaso na pwedeng isampa sa amin since ang alam ko ay di na ako dapat kasama dun? Magkasama kami sa trabaho ng kaibigan ko na yun hanggang ngayon.