September 2011- nangupahan kami sa isang tao na mayroong bahay, ang 2nd floor ay opisina niya. nirentahan namin ang ibabang bahagi para matayuan ng aming negosyo. Humingi kami sa kanya ng contract of lease pero pakalipas ang ilang buwan draft contract of lease ang ibinigay niya sa amin na mayroong pirma niya. sinabi nya sa amin na kung may sinoman na magtanong kung sino ang nagmamay-ari ng business ay sabihin naming siya dahil bago kami sa lugar, kaya ganun ng ang ginawa namin.nang tumagal,napag-alaman namin na siya ay umuupa rin at hindi sya ang may ari ng bahay. kumbaga, kami ang sub-lessee. umusad ang 1 taon ng pangungupahan namin sa kanya.
July 2012- dalawang buwan bago maka-isang taon ang aming negosyo ay inalok niya sa amin ang ibabang bahagi ng kanyang bahay. humingi kami ng contract para sa renewal at pagdadagdag ng aming uupahan pero hindi siya nagbigay dahil maganda naman daw ang naging takbo ng pangungupahan namin sa loob ng isang taon. sinabi namin na requirements yon para sa business permit, kami na mismo ang gumawa ng contract base sa draft na ibinigay niya sa amin. pero pinatagal nya at ng huli ay sinabi nya sa amin na gumawa kami ng panibagong contract at maglagay kaming dummy name ng lessor. hindi namin sinunod ang gusto nya ngunit patuloy pa rin ang pag-upa namin sa kanya.
October 2012- nagpakilala sa amin ang may-ari ng lupa at sinabi nyang naibenta na ang lupa kung saan kami nangungapahan. matagal na palang alam ng inuupahan namin na ibinebenta ang lugar na yon, inalok pa din nya sa amin ang lugar na yon. dahil sa sinabi ng inuupahan namin na siya ang may ari ng business kung sakaling may magtanong, ay ganun pa rin ang ginagawa namin. hanggang sa makilala ng inupahan namin ang "nakabili" ng lupa.
sa ngayon, nagkakaroon ng mga usapin sa barangay tungkol sa legalidad ng "nakabili" ng lupa at sa taong inuupahan namin. dahil ang 'nakabili' ay nagpipilit na magpapirma ng bagong contract at tataasan ang upa kahit hindi pa nya napapatunayan na mayroong deed of sale at transfer of title. kinausap kami ng ng nagpa-upa sa amin na kung sakaling idedemanda siya ng "nakabili" ay siya lamang ang idedemanda at hindi kami. at kung sakaling kami naman ang idemanda ng "nakabili" ay wala na siyang pananagutan sa amin.
ano ang posibleng gawin mangyari sa amin?
-idedemanda ba kami ng nakabili?
-susundin ba namin ang ipinayo sa amin ng nagpa-upa sa amin?
-paano kami makakapag-ayos ng business permit kung may ganitong usapin?
-ano ang legal na hakbang para hindi kami mapaalis?
maraming salamat po panahon na inilaan nyo sa aming naging sitwasyon.