Sisimulan ko po muna ang kwento kung kailan nag simula ang problem namin..
Noong 1993 ang nagsimula ang problema namin ng Mr. ko ng lumipat kami ng tirahan sa Fairview, nalulong sya sa sugar at droga,hanggang sa nawalan na sya ng trabaho dahil dito.. year 1996 nawalan na sya ng trabahao kaya napilitan na akong maghanap ng trabaho dahil nagsisimula ng mag-aral ang mga anak namin...Nalipat ulit kami ng tirahan sa Bicutan pero ang problem ko ay ganun pa rin, ang droga at sugal ay talagang nakadikit na sa kanya. Napalipat-lipat kami hanggang sa napunta kami ng Cavite, kung saan mas matindi pa ang naging problema...ako pa rin ang bumubuhay sa pamilya. Napilitan akong ipa-rehab sya noong 2003 sa Bicutan, sa pag-asang baka magbago at matulungan ako sa pag-aaruga ng pamilya. Naparehab ko na sya at itinira ko ulit sa Fairview pero tulad ng inaasahan bumalik ulit sya sa kanyang bisyo. At eto nga po sa kasalukuyan ay nasa Muntinlupa kami ngyaon, 5 years na kaming tumitira dito, ng mga 1 hanggang 2 taon ay naging maayos nman sya, wala akong nakitang problema....may trabaho sya at natutulungan ako sa gastusin at pag-papaaral ng mga anak, pero ng mga sumunod na taon ay unti-unti kong napansin na inuumaga sya ng uwi at laging walang pera hanggang sa kasalukuyan ay ganun ang problema.... sa ngayon po ay mahigit ng 2ng buwan kami na hindi nag uusap at gus2 ko na syang paalisin sa aming bahay (na pag-aari ng kapatid ko) sa kadahilanang hindi na sya nag bibigay kahit na singko sa amin, at dahil na rin sa nakikita kong pagbalik nya sa mga bisyo nya, natatakot ako na maulit pa ulit ang mga problemang dinanas ko sa kanya noon. Sobrang lubog po ako ngayon sa utang dahil sa kayang mga kagagawan, na ako ang nag-babayad. Kahit anong pilit ko na magbigay sya ng pag-tuition o baon ng anak nya ay lagi nyang sinabing wala sya pera, kahit pambili ng pagkain sa bahay ay inaasa na nya sa akin. Wala syang contribution sa araw-araw na gastusin sa loob ng bahay at nakukuha pang makikain sa pinaghirapan ko...di ko na po alam tamang gagawin... sana po mapayuhan nyo ako, hindi ko naman magawang umalis ng bahay dahil sa kapus sa pera at pinag-aaral ko pa ng college ang bunso ko, kaya ang nakikita ko lng pong paraan ay sya dpat ang umalis sa bahay pero tlgang nakikipag-matigasan sya...inaasahan ko po ang inyong reply....maraming maraming salamat po.