Kinausap po ako ng boss ko isang araw then sabi niya mag resign na daw ako. Ang reason niya po is wala na daw tiwala sakin yung asawa niya. Kasi po dalawang beses na po nagkaroon ng nakawan sa company then bakit hindi ko daw po agad sinabi. Pero inamin ko naman sa kanila na naabutan ako and then natakot lang ako kaya hindi ko agad sinabi.
Kinausap na din ako ng boss ko na ibibigay nia yung 2 years na pinag stay ko sa company, kaya lang hindi n nila ako kinaka usap. Parang wala pong nangyari sa kanila. Gusto ko n rin po kasing mag resign eh. Kaya lang po yung habol ko is kung may makukuha ako sa kanila? At saka po ang hirap na rin mag work sa ganitong sitwasyon kahit anong gawin mong tama, parang mali lang ang nakikita nila sayo.
Maraming salamat po.