May kapatid po akong 16 yrs.old at napagbibintangan ng mga ka-classmate niya ng pgkuha ng di kanya.. biktima din siya ng cyberbullying. Someone is accusing him of things he did not commit at ikinakalat pa sa isang social network.. At kung ano- anong mga sinasabi sa SMS group message tungkol sa kapatid ko.. minumura at tinukoy pa ang mismong name niya sa social network.. with no proof/ concrete evidence.. May magagawa po ba kami para matigil na ito? lalo na kung alam naming di totoo ang mga paratang.. May puwede po ba kaming maikaso sa taong naninira sa kapatid ko para malinis ang pangalan niya? paano kung 17 yrs. old lang din yun nagkakalat at nagte-text ng kung ano-ano sa kapatid ko? Maraming salamat po.
God Bless and More Power.