Hello po AttyLLL, may problema kasi ako.I need an advice. May ni-refer po kasi sa akin ang kaibigan ko na lupa.kasi kakilala po niya ang isa sa ahente doon. Dinala po niya ako dun sa lugar at ipinakilala sa ahente.Wala ako dalang pera noon oras na yun. Kaya sabi ng kaibigan ko pauutangin na lang daw niya muna ako at bayaran ko na lang daw siya sa sunod na linggo.Pumayag naman po ako. Nagwithdraw siya ng ATM ng 10,000 pesos at yun po ang binayad sa ahente.Pumirma po ako para sa reservation fee. Kinabukasan po, pinapa-cancel ko po yun reservation fee na yun since hindi pa naman po official receipt ang binibigay nila saken. Pero sabi po ng kaibigan ko hindi na daw pwede bawiin yun.Ayoko naman po magbigay ng 10,000 sa wala lang na parang namigay lang ako ng pera.Sabi ko kung may magagawa po ako para ma-cancel lang gagawin ko.Pero isa lang sinasagot ng kaibigan ko, non refundable na daw yun. kaya magbayad daw ako ng utang sa kanya dahil pera niya ang ibinayad doon.tinatakot nia po ako na sisirain nia ako sa trabaho ko at idedemanda daw nia ako. Ang tanong ko po, may grounds po ba siya para idemanda ako kahit wala naman kontrata akong pinirmahan na umutang ako?kung dapat ko pa rin ba talagang bayaran yun 10,000 sa kanya? ano po ba ang dapat ko gawin?
Last edited by ernie on Mon Sep 19, 2011 3:27 pm; edited 2 times in total (Reason for editing : ..)