Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Naningil lang ng utang, nabugbog pa

Go down  Message [Page 1 of 1]

1Naningil lang ng utang, nabugbog pa Empty Naningil lang ng utang, nabugbog pa Mon Sep 19, 2011 12:29 am

nitski


Arresto Menor

Mayroong negosyo ang asawa ko na direct selling. May customer siyang babae na may utang sa kanya sa mga kinuha na mga items. Kaya lang nitong huling 4 na buwan di na nagbabayad ng balance nya na 39k. Nakailang punta na rin ang asawa ko sa bahay nya para singilin kaya lang panay pangako at iwas lang ang ginagawa.

Ngayong araw lang pumunta ulit ang asawa ko para singilin dahil kailangan ng pera sa kadahilanang na-ospital ang anak namin. Nung nasa bungad na ng bahay hinanap na ng asawa ko ang customer nya pero ang humarap ay ang anak nya na nasa edad na 6 o 7. Tapos makailang saglit bumaba ang asawang lalaki na galit at dinuro ang asawa ko sabay mura. Gumanti rin ng mura ang asawa ko dahil sa kalmante naman naningil ito ng utang. di pa nakuntento sa pagmumura ang asawang lalaki, sinakal pa yung asawa ko.

nakita nagayon na kapatid na babae ng asawa ko na kasama nya sa pagsingil ang nangyari. kaya ito'y tumakbo para tulungan ang asawa ko sa mula sa pananakal ng lalaki. sya naman ngayon ang napagbalingan ng lalaki at sinuntok sa ulo at tinadyakan pa.

dahil sa takot at nerbyos, umalis na lang ung asawa ko at kapatid nya. pumunta sila ngayon sa barangay para humingi ng tulong na samahan sila sa kabilang barangay kung saan nakatira ang sinisingil nila ng utang. ang siste nauna pang magfile ang nanakit. trespassing ang nakalagay sa blotter tapos may kasama pang ibang statement na gawa gawa lamang ng lalaki pangdagdag sa depensa nya.

ngayon nag pa medical ang asawa ng kapatid ko dahil sya ang binugbog at mayroong mga pasa.

hihingi po sana ako ng advice kung anong magandang gawin at ano ang pwedeng ikaso.

maraming salamat po.

Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum