Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Nagbabayad ng utang sa interest lang pala kinakarga

Go down  Message [Page 1 of 1]

iwillsurvive


Arresto Menor

Naagkaroon po ako ng malaking utang umabot po sa 3.3m ang principal walang written document/agreement. All are transacted verbally. Nag offer po ako ng 10% interest per month sa tao. Jan-March 2010 nakakabayad po ako ng interest. Pagdating ng may hindi ko na po kinaya.

Nakipag areglo naman po sila. Ang unang usapan namen ay tapusin muna ang principal pagkatapos ay interest naman. Nagpaunang bayad na po kami ng 500k, 192k at 140k. Nag simula po kami mag issue ng cheke worth 85k each from aug-dec 2010. At bago magsara ang taon ay nagpa issue ulit sila ng 12 checks amounting to 100k each every month end rin po naka date (jan to dec 2011). Lahat po ng cheke ay nag good. Ang huling usap po namen ay hindi po sila nag agree sa bank rate interest. Kaya nagsarado kami sa 3%. Pumayag naman po kami dahil sa naguilty naman po ako sa panlolokong ginawa ko sa kanila at dahil hindi ko naman pong intensyon takbuhan ang obligasyon sa kanila.

Matapos ang mga issued checks ng 2011 ay nagpaissue ulit sila para sa 2012. Same amount 100k per month from jan-dec 2012. Good naman po lahat ng cheke fron jan-april 2012. Pero po ngayong may nakiusap po ako na baka madelay ang bayad namen ng isang linggo dahil ooperahan ang daddy ko. hindi po sila pumayag ang sabi nila kulang na kulang pa daw sa interest ang binabayad namen.

Kinagulat po ng buong pamilya namen ang pangyayari nagpapakahirap po kami bayaran ang 100k para po hindi masira sa usapan d namen akalain na napupunta lang lahat ng naibigay namen sa loob ng 2 tao sa interest.

kinausap ko po sila. Hindi po sila pumayag at iniinsist na sa interest talaga kinarga lahat. ngayon po pinipwersa po nila akong gumawa ng promissory note indicating na sa interest lahat napunta ang lahat.

tanong ko lang po:

1. ano po ang possible na ikakaso sa kin?

2. pwede po ba akong tumangging hindi pumirma ng kahit anong kontrata na nagsasaad sa interest lang napupunta ang lahat?

3. willing naman po kaming magbayad pero kung ang gusto po nila sa interest lang lahat mapupunta pano po kami makakatapos? pero i doubt, d po sila papayag dahil sabi nila ay sa expenses daw nila ginagamit ang binabayad namen. kaya nga po kami nakipag areglo para po makampanti ang lahat. in good faith kaming maibalik ang pera. willing din kami magbayad ng interest pero after 3 years na makatapos sa principal (based sa issued checks). sa katunayan ang mga paunang bayad namen ay sinanla namen ang ilang properties at nagbenta ng sasakyan. Total po na naibigay na namen is 2.9M.

tulong lang po nakikipagusap po sila sa wednesday at oobligahin/pepwersahin daw akong gumawa ng promissory note.

thanks in advance! God bless you all

iwillsurvive


Arresto Menor

HELP NAMAN PO

Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum