Ako po ay nag-resign na sa isang kumpanya. Para po makuha ko ang last pay ko, kailangan ko po pumirma ng Quit Claim and Realease Waiver dahil requiremnt po ito ng kumpanya. Na-deliver at cleared na po ako sa mga deliverables kaya gusto ko na kunin ang huling sweldo ko. Ayoko lang po sana pumirma ng Quit Claim dahil may ilang issues po ako sa kumpanya na balak ko sana i-file eventually sa NLRC. Pwede po ba ako hindi pumirma sa Quit Claim? Paano po kung magmatigas ang kumpanya na hindi nila ire-release ang huling sweldo ko without signing the Quit Claim? Kailangan ko po sana ang huling sweldo ko. Pero ayoko lang po talaga pumirma ng Quit Claim dahil sa ilang issues ko sa kumpnya. Requuirement po ba sa batas ang Quit Claim Waiver? Paano po kung sabihin nila na requirement ito ng kumpanya for my last pay to be released? Ano po ang pwede ko gawin?
Free Legal Advice Philippines