Nagkaron po ako ng case sa company namin dahil minapula ko po ang payroll namin, bale iba yung nasa debit memo compare sa diskette na pinapasok namin sa banko, iba po yung amount ng payroll ko at don po nagbase ang auditor namin sa pag audit sa account ko, chinarge po nila sa kin ung difference ng amount, pinasign po nila ako ng promissory note nkalagay po don "for misappropriated in the course of my employment as Accountant in that company" tas promise to pay in monthly installment, pero gusto po nilang kunin yung kotse ko as my downpayment kasi ang pinambili ko naman daw po doon ay galing sa kinuha ko sa kanila, tas yung balance daw po kapag nagka work na ko at huhulugan ko na lang daw po, ano po ba ang kasong pwede nilang isampa sa akin if ever?
Thank you po!