Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

sinaktan ang asawa ko ng mga pulis na humuli sa kanya

Go down  Message [Page 1 of 1]

MariThom01


Arresto Menor

Kamusta po. ask ko lang po nadampot po ang asawa ko kahapon sa kasong estafa. Gusto ko lang po makahingi ng payo hinggil sa nangyari sa asawa ko. Pinuntahan ko sya sa presinto dito sa (Olongapo City) kung saan sya nakakulong at inalam ko ang nangyari at kinausap ang pulis sa desk. Dinampot daw nila ang asawa ko sa kasong estafa at mayroon daw warrant of arrest nung kinuha nila ang asawa ko, tinanong ko sa kanila kung pwede kong makita ang warrant of arrest ngunit ang ipinakita nila sa akin ay isang papel na nagsasaad na BAIL ng asawa ko sa halagang P38,000. Kung tutuusin ay kasama ko ang nanay ko at kaibigan ng asawa ko (lalake) nagpunta sa presinto ngunit tinawag ako lamang mag-isa pinapasok sa loob ng opisina... Kinausap ako ng isang opisya na may hawak ng papel sa loob ng opisina at tinanong ako kung alam ko ba na may bisyo ang asawa ko? Sinabi sa akin na ang asawa ko daw ay may karga ng droga? Sabi kong HINDI. Nagtataka lamang ako bakit parang gusto nilang dagdagan ang kaso ng asawa ko kaya lalo akong kinabahan baka kung ano ang gawin nila sa asawa ko. kung gusto ko daw makalabas ang asawa ko sa lunes ay kailangan mag-bail ako ng ganyang halaga o kahit kalahati ng 38,000 (samaktwid 19,000) para pansamantalang makalabas ang asawa ko. Kinausap ko ang asawa ko at nalaman ko na sinaktan sya at kinaldagan at halos iniinda pa ang pananakit ng sikmura, ayaw muna magsalita ng asawa ko kung sino ang nanakit sa kanya dahil baka saktan sya ulit aat ako ay labis na nababahala sa kanya. Ano po ba ang itsura ng original na warrant of arrest para magkaroon ako ng idea at ako ay babalik ulit mamaya upang dalawin, para makagawa na rin ako ng dapat kong gawin. Gusto ko sya ipacheck-up para makasiguro ako sa totoong kalagayan ng katawan nya at medikoligal... ano po ang dapat kong gawin? Ang asawa ko po ay 64 years old at worried ako dahil hindi sya dapat saktan ng ganun dahil sa edad nya at mahina ang katawan. Isa pa pong katanungan ko ano ang dapat ko gawin ang asawa ko po ay isang american citizen. Ang cellphone at 800 hundred pesos cash ng asawa ko ay kinuha ng isang police major sabi ng asawa ko, dahil nung hinahanap ko ang cp ng asawa ko at cash nya ay hindi daw alam ng mga police na pinagtatanungan ko sa desk... parang nagtuturuan sila? Payuhan nyo po ako ano ang dapat kong gawin? At kung magsasampa ako ng kaso laban sa ginawa nila sa asawa ko ano po ang dapat kng isampa?

Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum