ako po ay nagtatrabaho dito sa dubai for almost 2 years. ang asawa ko po ay isang police woman na kasalukuyang nakadistino sa aming lugar sa surigao del norte. kami po ay may apat na anak.
nong buwan ng agosto 2014 nag duda na po ako sa aking asawa sapagkat iba na po ang kanyang kinikilos at pakikitungo sa akin. lagi nya pong binabanggit na gusto nya na daw po makipag hiwalay. kaya po nong buwan ng octobre pinilit kong magbakasyon para po maayos ang relasyon naming mag-asawa sapagkat ayaw ko pong masira ang aking pamilya.
nong gabi na mag usap kami ng aking asawa sinabi nya na maghiwalay na daw kami sa di ko malamang dahilan. labis po ang aking hinagpis pagkat mahal na mahal ko po ang aking asawa at mga anak. naging malamig na po ang kanyang pakikitungo sa akin. tanging ang mga anak ko na lamang ang pinaghuhugutan ko ng lakas upang manatili sa aming tahanan.
hangang isang gabi habang natutulog ang aking asawa, kinuha ko ang kanyang cellphone at kinabit sa aking computer, doon ay nirecover ko lahat ng mga DELETED TEXT MESSAGE mula sa kanyang cellphone... at doon nga nadiskobre ko na meron na pala syang karelasyon na isang pulis at kasama nya sa opisina. sobrang sakit ng aking naramdaman sa nalaman ko pero pinigilan ko pa rin ang sarili ko na makagawa ng hindi maganda alang alang sa mga anak ko. nanatili akong mahinahon at ginising ko ang aking asawa at pinakita ko sa kanya ang aking natuklasan. umamin naman sya na kasamahan nga nya sa opisina ang lalaki na nag tetxt sa kanya ng mga i love you...ang lalaki po ay may asawa at isa ring pulis.
1.ang tanong ko po,, ano pong kaso ang pwede kong isampa sa kanila ng aking asawa.
2.sapat po ba ang aking ebedensya na screenshot ng mga deleted txt messages na narecover?
3.maaari po ba silang dalawa na matangal sa serbisyo lalot pareho silang alagad ng batas?
4.tama po ba na ipaalam ko sa asawa nong lalaki ang relasyon nila sa aking asawa?
ngayon po ako ay nandito na sa dubai at hindi mapalagay sa nangyari. napparanoid na po ako sa kakaisip sa aking pamilya. tanging ang alak nalang po ang ginagawa kong pampatulog pagkat may tatlong araw akong hindi makatulog. stressed at depressed na rin po ako dahil sa nangyari.
sana po ay mapayuhan ninyo ako kung ano po ang dapat kong gawin.. salamat po!.