2. Kasabay po noong nauunang pangyayari (2001), mayroon pa po akong kinukuhanan ng pera na may interest para mapaikot ang aking negosyo. Ang halaga po lahat nang nahiram kong pera sa kanya ay 625thousand (kasama ang interest nung panahon na iyon). Hindi po siya nagdemanda ng panahon na un dahil ang alam ko po nasa abroad siya. .Ngayon po 2011 nagkita po kami at sinisingil po nya ako ng katumbas na halaga at isinasama ang interest sa loob ng sampung taon kahit wala naman po kaming kasulatan. Ngayon po ay hawak niya ang aking mga tumalbog na cheke na nagkakahalaga ng 625thousand (12 pieces). Ang tanong ko po ay sumusunod:
a. Nais po sana namin bayaran ito ng hulugan. Sa computation po ng aming babayaran, Legal po ba na isama pa ang interest ng halaga ng aming pagkakautang sa loob ng sampung taon kahit na wala kaming ginawang kasulatan?
b. Ano po kayang depensa ang aking pwedeng gawin kapag nagsampa siya ng demanda laban sa akin?
c. Minsan po ay hinaharas nya ako at ang aking mga anak, mas mabuti po ba na makipagareglo ako sa kanya o sa husgado ko na lng siya harapin?
godbless po from Gem from Laguna.