I need advice regarding my motorcycle warranty. Nag loan kasi ako ng brand new motorcycle sa isang motorcycle dealer malapit dito samin noong July 30, 2011.Kaninang umaga (August 27, 2011) habang nililinis ko ay napansin ko na may crack ang flairings sa ialim ng headlight ng motor ko.Akala ko nung una ay design lang yun pero nung kinilatis kung mabuti ay puro dikit na lang pala sya ng mighty bond at makakalas na sya at maging dahilan pa ng disgrasya.I reported immediately to the motorcycle dealer dahil nga sa hidden defects ng motorcycle flairings.Ang sabi nila ay di raw nila problema yun at pumirma na raw ako ng contract sa kanila na in good condition ang motor.Pinakita ko sa kanila na I have proof na nandon na ang damage bago ko pa kunin dahil kinunan ko ng photos on the day na kukunin ko na sya,pinakita ko sa kanilang mabuti pati ang date ng pagkuha.Ang excuse nila don ay baka di ko raw doon kinunan yun.Sobrang sama ng loob ko dahil magbabayad ako ng sirang motorcycle for 3 years.Ano po ba ang dapat kung I-file na complain sa kanila? Hindi po ba valid na evidence ang photos na nakuha ko samantalang doon mismo sa kanila nakuhaan yun at may logo pa ng kanilang Motorcycle store.Please Help...