Hi, kailangan ko po ng tulong nyo tungkol sa motorcycle loan ko. Kasi po 2 months na ako hindi nakakabigay sa loan ko dahil nawalan ako ng trabaho pati na ang partner ko. Nakikipag communicate ako sa legal department ng company asking for more time until oct 15 para makapagcatch up ako, o kung ayaw nila sabi ko pwede na nila kunin ang motor. pero ayaw nila pareho, ang sabi nila either magbayad ako o kakasuhan daw nila ako. araw araw silang nagtetext sa akin and i feel harassed na sa ginagawa nila, ang sasama ba ng mga sinasabi sa akin. Isa sa knila tinawag akong balasubas at ms delikwente. Sinabi din nila na wala akong karapatan na makatanggap ng tamang treatment dahil hindi ako marunong magbayad. pauliulit silang nananakot, araw araw silang nagtetext kahit na sinabi ko ng sa oct 15 ko pa matatanggap ang sweldo. ano po kaya ang dapat kong gawin? at makukulong po ba ako kung hindi ko na kayanin makapagbayad dahil ayaw nilang kunin ang motor?