Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

2 beses ibinenta ang lupa

2 posters

Go down  Message [Page 1 of 1]

12 beses ibinenta ang lupa  Empty 2 beses ibinenta ang lupa Wed Aug 24, 2011 2:10 pm

alphine


Arresto Menor

lumapit po sa akin ang kapitbahay ko humihingi ng tulong dahil nakasanla ang lupa nya sa banko at kukuhanin na ito ng banko kasi d nya nababayaran. ito po ay nangyari noong 2008 pa.ang naging usapan po namin ay babayaran ko muna 700,000 pesos para matubos nila sa banko at pagkatapos tubusin ay aayusin nila ang transfer ng land title para mailipat sa pangalan ko. at pag nailipat na sa pangalan ko babayaran ko ang natitirang 500,000 pesos para sa kabuuang bayad sa lupa na ibinenta sa akin. isang papel lang ang pinanghahawakan ko na nagbayad ako ng 700,000pesos sa kanya, sulat kamay ko lang na pinirmahan ng nagbenta at pirma ng isang witness mula sa kaniya. wala kaming deed of sale dahil pag natransfer na raw ibibigay. lumipas ang 3 taon hindi pa rin nalilipat sa akin ang title, nalaman ko na lang sa assesors office na ipinahold ng nagbenta sa akin ang lahat ng transactions tungkol sa lupa na iyon. ang dahilan ay ibinenta din pala nila sa iba ang lupa na iyon at imposible na matransfer pa sa akin dahil nakapangalan na sa pangalawang pinagbentahan nya. inamin naman nya na dahil daw sa bagyo na si ondoy na malaking pinsala ang nangyari sa kanya ay napilitan sya ibenta uli. nangako sya na babayaran na lang unti unti ,huhulugan na lang daw nya, pero kahit ano gawin ko at pakiusap sa kanya na pumirma sa kasulatan para magbayad ay ayaw nya pirmahan hanggang nag baranggay na ako d nya sinipot hanggang mag issue na ang baranggay ng certificate to file actions, hanggang nag abogado na ako at pinadalhan na sya ng demand letter. nasa abogado na ngayon ang katibayan na nareceive nya ang demand letter na LBC ang nagdala. hindi pa rin sya nagpapakita sa akin wala pa rin sya sagot sa demand letter. sabi ng abogado ko ay pwede na daw sampahan ng demanda, ang problema ko ngayon ay nalaman ko na maipanalo ko man ang kaso at wala talaga sya kakayahan na magbayad o wala syang property na pwd isheriff maghihintay pa rin ako ng 5 years para mabayaran ako, gagastos na ako pangbayad sa abogado ay maghihintay pa rin pala ako. ano po ba talaga ang dapat ko gawin. isa lang ang gusto ko ang idemanda sya para magbayad sya at sobrang tigas naman nya na hindi man lang makiusap o makipagkasundo sa akin.naisip ko ang dahilan ng pananahimik nya ay alam na din nya siguro na wala naman mangyayari sa kanya kung sakaling d sya makabayad d naman sya makukulong, wala naman makukuha sa kanya ang sheriff. ano po kaya ang dapat ko gawin?

22 beses ibinenta ang lupa  Empty Re: 2 beses ibinenta ang lupa Tue Aug 30, 2011 12:03 am

attyLLL


moderator

unless your lawyer has been negligent, you should discuss this with him

https://www.facebook.com/BPOEmployeeAdvocate/

Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum