Magandang Hapon po. itago nyo nalang po ako sa pangalan "princess", ako po ay 29y/o..
Ako po ikinisal sa isang civil marriage noong July 2010, hindi po alam ng magulang ko. bago kme ikasal naglive-in o nagsama po kme ng 1taon, labag sa aking pamilya na sumama ako sakanya, dumating sa pagkakataon na nagkabarangayan kami at pinasulat sa barangay na nasa wastong edad na ako at gusto ko sumama sa lalake, para matapos ang gulo, ang agreement sa barangay ay parang pinaubaya nalang ako ng magulang ko sa kamay ng lalake na dapat ay ingatan ako habang nasa poder ng lalake...nag live in kame, kinasal, pero pagkatpos po kme ikasal sa parehas na taon dn kme naghiwalay, umalis sya palabas ng bansa at nkahanap na sya ng iba, bumalik sya ng pinas ng october 2010 pra aminin sa akin ang nangyare. sinubukan ko po isave ang marriage namin, pero wala na daw po talaga. Kaya nagdecide ako umiwas muna skanya dahil sa sakit. Lumipas ang ilang buwan, meron sya papel na pinapapirmahan sakin "joint affidavit" daw po, doon nkalagay na wala na kame habol sa isat isa, para po sya agreement...which is hindi ko po pinirmahan. sumunod na araw, inabot nalang nya sa akin ang papel na may pirma ko na. lalo sumama loob ko sa ginawa nya, pinagaya nya ang pirma ko sa iba. at binigyan nya ako ng copy ng CENOMAR na wala po kasal o hindi po ako ikinasal. Hindi ako naniwala dahil alam ko peke lang iyon. nov. 2011 nagdecide ako mag ibang bansa, dahil nasaktan po talaga ako, nagpakatatag ako para sa anak ko (iba ang tatay). hanggang ito oct. 2014, umuwi ako, dahil nabalitaan ko ikinasal na pala ulit sya, at nagcheck ako ng CENOMAR, lumabas po sakin na kinasal po ako. ngayon po kinuhaan ko din sya ng cenomar para mkita kung ilang beses na sya kinasal. ano po ba ang dapat ko gawin? kung sakali mkita ko na 2 po kme pinakasalan, at ako ang una. hindi ko na po gusto habulin p ang lalaki, gusto ko lng po mabigyan sya ng leksyon sa ginawa nya sakin. at mapawalang bisa kasal namin. nabalitaan ko po na pabaksyon sya ngayon december galing qatar. pwede ko po ba sya hindi mapaalis? anong kaso po ang pwede ko isampa sknya? saan din po ako pwede humungi ng tulong na abogado dahil hindi ko kaya magbayad ng malaki para sa abogado. Umaasa po sa magiging sagot nyo. Salamat po at pagpalain po kayo.
princess