Nagharap po kami sa barangay at nais niya na bayadan ko ng 5000 ang kamera ng di binabawas ang halaga na nakuha niya sa akin. Hindi po kami nagkasundo dahil abg gusto ko po ay ibawas ang halaga ng nkuha nya sa kin.Makalipas po ang isang buwan ay nakatanggap kami ng lihan sa kanyang abogado na bayadan daw po namin ang isinanglang kamera ng halagang 5000, maliwanag po sa sinalaysay nya sa abogado na me usapan na paglipas ng isang buwan rematado na ito. Na October nya sinangla at December daw nya tinutubos nun, don pa lamang po sa saad nya e maliwanag na lampas na sa usapan at hindi nya tinupad ang kanyang obligasyon na magbayad bago o sakto ng isang buwan. Nireklamo nya po ako sa munisipyo sa pamimintang na estafa, ng magharap muli kmi sa brgy ay nais nya na brandnew ang ipalit ko at di nya babalik ang nkuha nya na pera sa akin, ako naman po katwiran ko papalitan ko ng kagaya pero 2nd hand dahil 21 na buwan nya na itong nagamit.Nais niyang bayadan ko ang gastos niya sa paghabla, at bayadan ng 15000 ang kamera. Ang punto ko po siya ang unang di tumupad sa usapan, willing akong palitan ang kamera pero dapat bayadan nya ung halaga na nakuha nya. Hindi ko po papalitan ng brandnew ang kamera dahil nagdepreciate na ito, sa pagkaka-alam ko po pag nakawala ka ng gamit kailangan mo itong palitan ng kaparehong gamit ng hindi lamang sa nawala. Nais ko pong malaman kung me laban ba siya na estafa yun gayong maliwanag na sangla ang nangyre?maari ko ba siyang ihabla ng libelo dahil ang nakasaad doon sa endorsement sa barangay ay pagnanakaw at sa munisipyo ay estafa.,.Sana po masagot niyo ito agad, bukas po ay kakausap na po ako ng abogado para maghain ng counter affidavit..salamat po.