Nasa ibang bansa po ang asawa ko we just got married last year, matagal na po syang nagtatrabaho sa Korea, 5 days after our wedding bumalik na rin sya kaagad, nalaman ko na meron na nga syang kinakasama doon. Wala pa po kaming anak. He stopped sending me support and ako na po mag-isa ang nagbabayad ng monthly amortization ng bahay namin. Gusto ko na po ipa annul ang kasal namin, pero hindi po sya makipagtulungan sa akin, ang sabi lang nya kung anong kailangan nyang pirmahan ipadala lang sa kanya dahil wala na syang balak umuwi pa. We got a house and lot na binabayaran namin sa pag ibig, nung naapprove yung loan hindi pa kami married at sa kanya ito nakapangalan, then 2 months later dumating sya at saka kami nagpakasal, pero ako na po ang nagbabayad ng monthly nito at hindi sya. Paano po ba ang dapat kong gawin, gusto ko nang ma annul ang kasal namin pero ayoko pong mawalan ng karapatan sa bahay na pinaghirapan ko din . Please I need your advise.
Thanks and more power.
Lisa