Baka puwede nyo naman akong bigyan ng legal advice l. Kasi nabalitaan ko na yung eldest daughter ko who is only 17 yrs old ay buntis pareho silang 17 yrs old nung BF niya po. Naayos naman na po ni misis yung scenario sa pinas, pero napagkasunduan namin na hindi muna sila papakasal kasi bata pa po sila masyado sa January 31, 2012 she will be turning 18 na po. She will give birth on 2nd Week of November this year. Ang question ko po ay, paglabas ng bata puwede po ba na sa apelyido po namin nakapangalan yung birthcert ng bata? Paano po ba ang dapat gawin namin? Kasi parang accidental pregnancy po ito e, meaning hindi tanngap ng magulang ng lalaki yung nangyari . Ayaw naman po na namin maghabla kasi iskandalo lang yun kawawa naman po ang anak ko. kaya we decided na wag sila munang pakasal kasi po yung lalaki kahit HS hidi maka graduate 2 years na yata sa 4th year HS. My daughter is taking up tourism po kaso nag stop dahil sa nangyari, nasa poder po ng asawa ko ngayon ang anak ko sa Pinas.